Bagong panahon, bagong pagkakataon
Tunay na hinibog ng modernisasyon
Tanikalang nagmarka bakas sa ngayon
Inalipin ng iba’t ibang panahon
Ang paghakbang, pabalik sa nakaraan?
Wari’y nanumbalik sa kasalukuyan
Nariyan na naman ang mga dayuhan
Himihiyaw na naman sa ating tahanan.
Iba na ngayon, di muling malilinlang
Pasan nati’y sandata’y ang nakaraan
Handa muling ipaglaban yaring bayan
Di makaliligtas, ang lumapastangan
Hindi muling iiyak ang inang bayan
Ang perlas ng silangan ay iingatan
Dugo’y mistulang tinta ng kasaysayan
Luha ay nagmarka sa kasalukuyan