Nakakabudol nga talaga!

            Presyong murayta, presyong swak sa bulsa. Naging daan upang kumita sa gitna ng nakamamatay na kalaban. Sabi nga nila, “walang impossible sa taong maparaan.”             Shoppee at Lazada, nakakabudol nga naman talaga kung ito’y iyong bubuksan. Madaling hanapin, walang kapagod pagod puntahan at hindi ka pa maabala, “all in one” ika nga. Kahit nga…


            Presyong murayta, presyong swak sa bulsa. Naging daan upang kumita sa gitna ng nakamamatay na kalaban. Sabi nga nila, “walang impossible sa taong maparaan.”

            Shoppee at Lazada, nakakabudol nga naman talaga kung ito’y iyong bubuksan. Madaling hanapin, walang kapagod pagod puntahan at hindi ka pa maabala, “all in one” ika nga. Kahit nga sa Facebook, Instagram at twitter na mga social media platforms ay may makikita kang nagbabanat buto, sige lang sa pagbebenta hangga’t makakaya. Ang mga ito ay makikita lamang sa gadyet, isang alternatibong paraan upang makapamili. Hindi mo na kailangang makipagsiksikan sa mga hindi mahulugang karayom na mga pamilihan. Sa simpleng pag “mine,” ilang araw ay kakatok na sa iyong pintuan.

            Ayon sa isang artikulo ng Statista Research Department noong ika 7 ng Hunyo 2021 sa isang pagsisiyasat ng mga gumagamit ng internet ay nasa 89.3 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsasaliksik sa internet upang bumili ng pangangailangan. Ayon pa sa survey ay maaaring magtuloy tuloy ito ng taong 2019-2025. Ang Shoppee ang may pinakamaraming mamimili na may tinatayang 54.6 milyon at ang Lazada naman ay may tinatayang 38.3 milyong mamimili kada isang buwan sa ating bansa. Karamihan sa mga Pilipinong gumagamit nito ay ang mga Gen Z na pinanganak ng 1997-2012 at milenyals na ipinanganak ng 1981-1996, na kung saan sila rin ang may malaking porsiyento ng paggamit ng internet.

            Sa kabilang banda, hindi talaga maiiwasan ang mga taong nanloloko. Kaya’t mas gusto ng ilang mamimili ang “cash on delivery,” ngunit maaari rin naman maloko ang nagbebenta kaya mas gugustuhin nila ang “payment first.” Anuman ang panganib, kapit na lang talaga minsan sa patalim.

                Basta’t may tyaga, may nilaga. Huwag kang susuko sa pagbebenta, sa dinami dami ba naman ng mga Pilipinong gumagamit ng internet ay impossibleng hindi ka nila mapansin. Hindi hadlang ang pandemya upang hindi lumago ang ekonomiya.

 

References:

 https://www.statista.com/statistics/1125430/philippines-e-commerce-activities-internet-users/?fbclid=IwAR2cpAMRrh3wLwdUjMEa4gu2A490QhN0p1TZKinnI-foV5jWBc_Iu9XAg_g

By: Geraldine L. Quiniola|Teacher I|Olongapo City National HighSchool|Olongapo City