Maliit lamang ang baying Pilipinassubalit maraming ulit nating pinatunayan na mas malaki tayo sa mapa na tinitingnan ng mga Dayuhan.
Bawat Pilipino ay may dahilan na magmalaki sapagkat an gating mga OFW’s na mga manggagawa at mga Propesyunal ay nagpamalas ng kagalingan, kasanayan at katapangan na Humarap sa iba’t-ibang Hamon ng Buhay. Sagana sa Butil ng Tiyaga at pagsisiskap ang bawat Pilipino na sumakay ng Barko at lumipad ng Eroplano sa Ibayong Dagat.
Baon ng Bawat Pilipino ang pagmamahal sa pamilya, sa kapwa at sa kanyang Bansa. Sa puso at diwa, ang Pilipino ay Pinagpala. Walang Unos at Kalamidad na pumigil sa bawat Pilipino na naghatid ng Dangal at Tagumpay sa Pilipinas. Ang mga henerasyon na sumunod kay Rizal ay pinagkalooban ng Talino at Galing na itinakda sa makabagong Takbo ng Panahon.
By: ROBERTO G. DAVID | Teacher III | Limay National High School | Limay, Bataan