National Learning Camp 2024: Isang Hakbang Tungo sa Mas Matatag na Edukasyon sa Cataning Integrated School

Balanga City, Bataan — Sa ilalim ng masigasig na pamumuno ng Punungguro na si Gng. Lisa G. Austria at Assistant Principal Bb. Mayfour B. Yadno, matagumpay na isinagawa ang National Learning Camp 2024 sa Cataning Integrated School. Ang nasabing camp ay naganap mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 19, 2024, na dinaluhan ng mga piling guro…


Balanga City, Bataan — Sa ilalim ng masigasig na pamumuno ng Punungguro na si Gng. Lisa G. Austria at Assistant Principal Bb. Mayfour B. Yadno, matagumpay na isinagawa ang National Learning Camp 2024 sa Cataning Integrated School. Ang nasabing camp ay naganap mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 19, 2024, na dinaluhan ng mga piling guro at mag-aaral mula sa Grade 1-Grade 3 at Grade 7 – Grade 8. Layunin ng camp na palakasin ang mga kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba’t ibang makabuluhang aktibidad at programa.

Ang seremonya ng pagbubukas ay ginanap noong Hulyo 1, 2024, kung saan ang mga mag-aaral, guro, at mga magulang ay mainit na tinanggap nina Gng. Lisa G. Austria at Bb. Mayfour B. Yadno. Sa kanilang mga mensahe, binigyang-diin nila ang kahalagahan ng edukasyon at ang papel ng bawat isa sa tagumpay ng camp. “Ang National Learning Camp ay isang hakbang tungo sa mas matatag na edukasyon. Ang ating pagsasama-sama at kooperasyon ang susi upang makamit natin ang layunin ng camp na ito,” ani Gng. Austria.

Isinagawa ang iba’t ibang gawain na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga asignatura tulad ng Science, Mathematics, English, at Filipino. Ang mga guro ay nagsilbing tagapagsanay at nagbigay ng mga interaktibong sesyon na nagpasigla sa interes ng mga mag-aaral. Ang mga gawain ay nagbigay-daan din sa mga guro na magbahagi ng kanilang mga epektibong pamamaraan ng pagtuturo. Kasama sa camp ang iba’t ibang physical activities na naglalayong mapanatili ang kalusugan at kasiglahan ng mga mag-aaral. Ang aktibidad na ito ay nagpatibay sa camaraderie at teamwork sa pagitan ng mga mag-aaral.

Sa pagtatapos ng camp noong Hulyo 18, 2024, isang seremonya ng pagkilala ang isinagawa upang bigyan ng parangal ang mga natatanging mag-aaral na nagpakita ng kahusayan at dedikasyon sa buong camp. Ang mga mag-aaral na nagpakita ng pambihirang galing sa akademiko at physical activities ay binigyan ng mga sertipiko bilang pagkilala sa kanilang mga nagawa. 

Ang National Learning Camp 2024 ay nagdulot ng positibong epekto sa mga mag-aaral, guro, at buong komunidad ng Cataning Integrated School. Ang mga mag-aaral ay nagpakita ng mas mataas na interes sa kanilang pag-aaral at nagkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga asignatura. Ang mga guro naman ay nagkaroon ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagtuturo, na tiyak na magdudulot ng mas mataas na kalidad ng edukasyon sa paaralan.

Sa kabuuan, ang National Learning Camp 2024 ay isang matagumpay na hakbang tungo sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon sa Cataning Integrated School. Ang patuloy na pagsisikap at dedikasyon ng pamunuan, guro, at mag-aaral ay tiyak na magpapatuloy ang pag-unlad ng edukasyon sa paaralang ito.

Pinangunahan ang programa ng Principal na si Gng. Lisa G. Austria at Assistant Principal na si G. Randy N. Tallorin, kasama ang mga DepEd Administrative Assistant (ADAS) at mga utility staff.

Ang aktibidad ay nagsimula sa “Parade of Colors” na nilahukan ng Purple Team, Red Team, Yellow Team, at Green Team. Pagkatapos ng parada, isinagawa ang kompetisyon para sa Best Muse at Best Yell/Cheer. Pinagpawisan ang mga muse ng bawat team dahil sa mga mahihirap na tanong mula kay Master Teacher I, Gng. Rosita B. Forbes. Nosebleed ang mga kalahok dahil kinakailangan nilang sumagot ng Ingles sa Q&A portion. Hiyawan ang mga manonood habang sumasagot ang mga kalahok, at lahat ay sabik na marinig ang mga sagot ng bawat isa.

Pagkatapos ng mga paunang aktibidad, sinimulan ang Sportsfest proper. Ang lahat ng manlalaro ay nag-warm up muna bago simulan ang volleyball. Narito ang mga resulta ng mga aktibidad sa Sportsfest: Best in Muse ay ang Blue Team, Best in Yell/Cheer ay ang Green Team, at ang Champion sa volleyball ay ang Yellow Team.

Kahit pagod, lahat ay nag-enjoy sa nasabing Sportsfest. Ang mga guro ay narecharge ang isip at katawan, at nagkaroon muli ng sigla at lakas para sa kanilang muling pagtuturo.