Sa panibagong mundong ating ginagalawan
Bawat galaw walang kasiguraduhan
Nanganganib ang ating kaligtasan
Sa bawat segundong dumadaan.
Ito ay isang napakalaking hamon
Tinutukoy ko’y ang pandemya ngayon
Iba talaga itong taon
Wari’y unti-unti tayong binabaon
Ngunit sabi nga’y Pilipino tayo
Malalagpasan din natin ang pagsubok na ito
Unti-unting gagaling ang mundo
Basta’t may pananalig kay Kristo
Sa perspektibo ng guro naman
Nako! Nako! Ano ba naman yan!?
Panibagong hamon nariyan
Isip ng paraan kung paano malalampasan
Ang daming tanong ang naglabasan
Bakit ganon? Paano ba yan?
Saan ko sisimulan?
Adjust na naman tayo nyan?
Ngunit sabi nga sa kasabihan
Kung nagrereklamo ka sa sistemang yan
Aba’y iisa lang ang paraan
Humanap ka na ng ibang pagkakakitaan!
Aba siyempre marami’y sasalungat
Mag-aadjust na lang dahil nararapat
Lakas ng loob dapat ay sapat
Sa bayan at propesyo’y maging tapat
Kabi-kabilang webinar ay nandyan
Blended learning kadalasa’y usapan
Mapa-online o modular man
Dapat maging handa ang guro sa anumang laban
Sa nalalapit na pasukan
Kaya ng mga guro yan!
Itatak sa puso at isipan,
Para sa bata! Para sa bayan!
By: Mr. Jayremiah C. Gallardo | Teache I | Bataan NAtional HIgh School | Ba;anga City, Bataan