“OH MAHAL”

  Oh mahal, nang una kitang Makita, Mga mata ko’y mistulang nanlula. Ang kagandahan mo’y napakarikit, Kung kaya’t loob ko sa iyo’y naakit.   Kung sakali mang muli tayong magkita, Pagkakataon ba’y palilipasin pa? Na sabihin at ipagtapat sa’yo, Mga pagtangi at pagmamahal sa’yo.   Ang pag- ibig yata ay talagang ganyan, Na sa bawat…


 

Oh mahal, nang una kitang Makita,

Mga mata ko’y mistulang nanlula.

Ang kagandahan mo’y napakarikit,

Kung kaya’t loob ko sa iyo’y naakit.

 

Kung sakali mang muli tayong magkita,

Pagkakataon ba’y palilipasin pa?

Na sabihin at ipagtapat sa’yo,

Mga pagtangi at pagmamahal sa’yo.

 

Ang pag- ibig yata ay talagang ganyan,

Na sa bawat isa’y magbigay ng daan.

Sa dalawang taong magkaibang landas,

At nagkaibigan ng tunay at wagas.

 

Oh mahal sa tuwing makikita ka,

Ang gising kong diwa’y natutulala.

Nag- iisip kung ano ang gagawin,

Upang loob mo ay mapasaakin.

 

Oh mahal kita’y mahahalintulad,

Sa isang bagay na walang katulad.

Na biglang sumulpot sa aking buhay,

At siyang nagdulot ng saya at kulay.

 

Oh mahal nais na tanungin sa’yo,

Pag- ibig na nga kaya lahat ito?

Kung kaya mahal ako ay dinggin mo,

Dahil pakiwari ko’y di totoo.

 

Kung pag- ibig man lahat ito,

Dalangin ko’y nagkatotoo.

Na siyang makapareha ko ang tulad mo,

At siyang maging kabiyak sa buhay ko.

 

Ang pag- ibig ko sayo’y ‘di magbabago

At ito’y hinding- hindi maglalaho.

Dahil ikaw lang mahal, tinatangi ko

Kahit na ang mga tao’y tanggi dito.

 

By: Mr. Rodolfo N. Ariola Jr. | SPED Teacher I | Cabcaben Elementary School | Mariveles, Bataan