ORAS NA!

Ginawa ng Diyos ang ating mundo na perpekto. Bago pa lang tayo nilalang ng Maykapal ay hinanda na niya ang lahat ng ating kailangan. Itinalaga tayo ng Panginoon bilang tagapangalaga salahat ng kanyang nilikha. Ngunit, pagmasdan mo ang nagyayari ngayon, sa halip na tayo ang maging tagapangalaga, tayo pa ang sumisira sa kanyang nililikha? Ano…


Ginawa ng Diyos ang ating mundo na perpekto. Bago pa lang tayo nilalang ng Maykapal ay hinanda na niya ang lahat ng ating kailangan. Itinalaga tayo ng Panginoon bilang tagapangalaga salahat ng kanyang nilikha. Ngunit, pagmasdan mo ang nagyayari ngayon, sa halip na tayo ang maging tagapangalaga, tayo pa ang sumisira sa kanyang nililikha? Ano na ang nangyari sa ating mundo na dati ay isang napakagandang paraiso?

                Kung dati-rati’y pagluminga ang iyong mga mata ay kagandahan ang iyong nakikita sa paligid, ngayon, kahit saan ay nakakapanlumong basura na ang bubungad sa iyong paningin. Ang mga basura galing sa ating pinagkainan, mga plastik, diaper at lalong higit ang mga bote ay tumatagal ng halos isang daang taon sa mundo. Nakakapanlumong isipin na ang resulta ng kapabayaan natin ngayon ay mananatili at makakaapekto pa sa magiging buhay ng mga tao sa susunod na henerasyon.

                Ang talamak na basura ang siyang nagiging dahilan ng pagbaha. Marami ang namamatay dahilsa mga basura na tanging tayo lang din ang may gawa. Sa araw-araw na tayo ay gagamit ng mga plastik, hindi malabong isang araw tayo ay mamumulat sa isang mundong puno ng basura.

                Bago pa mahuli ang lahat, gumawa na tayo ng nararapat na gawain upang hindi na umabot sa sukdulan ng ating paghihirap. Maari nating gamitin ang 3R (Reduce, Reuse, Recycle) para sa ikababawas ng mga basura. Iwasang gumamit ng mga plastik at mga bote sa halip ay gumamit na lang ng mga basket at baso.

                Kapansin-pansin na pagpasok pa lang ng ating paaralan ay makikita mo na ang mga basura na nagkalat saan mang dako ka tumingin. Ang mga pinagkainan ng mga estudyante ay kung saan-saan lang inilalagay, tapon dito, tapon doon. Ang mga pinagbalatan na plastic na ating tinatapon tuwing tayo ay kumakain ay napakalaking problema ang naidudulot sa ating kapaligiran. Hindi niyo ba naisip na kapag pinag-sama-sama ang lahat ng pinagkainan ng bawat estudyante sa tuwing kumakain, mapupuno natin ang isang dram kada-oras. Paano na lamang kung kada-oras au kumakain ang bawat estudyante sa ating paaralan? Baka dumating ang panahon na magkaklase tayo sa isang paaralang puno ng basura.

                Sa ating mga barangay, kapansin-pansin ang mga ilog na dati’y napakalinis ay punong-puno ng mga kalat, plastic at mga diaper. Nakalulungkot mang isipin na sa halip na ilagay na lang sa tamang tapunan ang mga kalat na ito, ay napili pang itapon sa ilog na siyang nagiging dahilan ng pagkamatay ng mga lamang dagat.

                Tunay ngang nakakamatay ang mga basura. Marami ang nasasawi ang buhay dahil sa kapabayaan ng lahat. Hihintayin pa ba natin ang pagkakataon na huli na ang lahat bago pa tayo kumilos? Matitiis mo pa bang tumira sa isang paligid na puno ng basura?

                Napakalaking tulong kung ang mga reusable na baso na lang ang ating gagamitin sa halip na mga plastic. Mas maganda rin kung magdala na lang tayo ng sari-sariling basket kaysa ilagay sa mga plastic bag ang ating mga pinamili.

                Napakalaki ng ating ginagampanan sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Nararapat lamang na magsimula sa atin ang lahat ng pagbabagong ating ninanais.

 Oras na upang magising tayo sa sinapit ng ating mundo. Lahat tayo ay may pagkukulang. Unti-unti nating buuin ang disiplina sa ating mga sarili para sa ikaayos ng ating mundong ginagalawan. Magtulungan tayo para mabawasan asng basura sa ating paligid at mamuhay tayo ng may kagandahan at kaayuasan sa ating kapaligiran.       

By: Lany Vell M. Maderazo | T-I | Limay National High School