Tik … tak … tunog ng orasan bawat sigundo pumupuno sa katahimikan ng gabi bukas ibang araw na naman.
Tumilaok na ang manok ibig sabihin, umaga na magsisimula ka ng bagong araw. Paano mob a sisimulan ang araw na ito?
Naupo ako sandali at pinanood ito dahil saw akas ngayon iba na ang mundong ginagalawan ko.
Hindi na ako gigising ng maaga na magkukumahog dahil papasok ng maaga mahuhuli ako sa “biometrics”, minsan tuloy napapagalitan ko sa isip ang nakaimbento nito dahil hindi mo siya pwedeng “dayain” kaya sa ayaw at sa gusto mo babangon ka kundi “late” ka babawasan na naman ang hindi na magkasyang suweldo mo.
Wala na akong isusulat sa manila paper kasi nanigas na ang kamay mo sa haba ng panahong nagsusulat ka ditto.
Ipinamigay mo na ang koleksyon mo ng matas na aklat, hindi mo na ito halos mabasa dahil sa kapal ng salamin mo, sa haba ng panahong wala kang ginawa kundi ang magbasa ng magbasa.
Wala ka ng paplantsahing uniporme sa Linggo ng gabi kasi sa bahay ka na lang di mo na kailangang mag-uniform.
Wala na rin ang ingay ng mga bata na nitong huli napansin mong hindi na masaya sa iyong pandinig kundi malakas na ingay na lamang na nagdudulot ng iritasyon sa iyo dahil marami ka ng nararamdamang masasakit sa iyong katawan. At napansin mo ring iba na ang iyong nararamdaman na malayo sa dati mong sigla noon. Napansin mo ring iba na ang ugali nila kumpara sa ugali ng mga kabataang nakilala mo noon.
Anim na po at lima ka na kasi, retirado ka na. Ayaw man ng kalooban at puso mo ngunit sumusuko rin ang katawang luapa mo. Di ba panahon naman para sa iba?
O iba na naman ang inuna mo?
Dapat panahon na para sa sarili mo. Una, pasiglahin at palakasin mo itong muli. Balikan ang sugat ng kahapon, baka marami pang makitang nakbagahe diyan, itapon mo lahat at ng gumaan ang kalooban mo para sa panibagong paglipad na gagawin mo mas maging magaan ang gagawin mong paglalakbay.
May natitira pang panahon ang magulang mo, baka nalimutan mo na siya sa panahon ng pag-alala mo sa iba.
Aba, may panahon pa sa taong nagtiis sa iyo ng habangbuhay, ang sumalo ng lahat ng sama ng loob mo, ang iyakan mo sa lahat ng oras, ang tagasalo mo sa tungkulin mo sa mga anak n’yo dahil busy ka. Siguro naman deserve niyang “magbakasyon” kasama ka. May panahon pa kayo.
Sa iyong mga anak? Nasa tamang buhay na sila, pabayaan mong sila ang lumutas sa problemang likha nila, doon sila mas matututo.
Sa Diyos? Baka kulang pa ang paglilingkod na ginawa mo, ito naman ang panahon para sa Kanya. Alalahanin mo sa oras na wala kang mapuntahan, palagi mo Siyang tinatawag at sa bawat pagtawag mo may ready Siyang sagot.
Nangungulit na naman ang orasan, tunog ng tunog … katulad ng dati na takot at nagmamadali ka sa ingay niya ngayon tinatawanan mo na lang siya. Sabi mo nga “tinalo din kita”.
Sa bawat oras na lumilipas sa ating buhay ay puno ng pagsubok, puno ng pangyayari, puno ng kuwento, puno ng aral, ppuno ng … punong-puno na pala at wala ng mapaglagyan nito.
Ngunit kung atin itong babalikan ang bawat ikot pala nito ang bumuo sa iyo. Dito ka magsimula, sa susunod na ikot, naiba na ang kulay ng buhok mo, kumulubot na ang balat mo, ngunit sa iba’t ibang paggalaw ng sigundo nito siniguro mo naming naging mabunga ito.
Muli tumunog na naman ang “orasan” ng buhay mo. Ito ang tunog niya, “Abay sisimba pa tayo, bangon ka na”, boses ng asawa mo. Ngayon solo niyo na oras para sa isa’t isa, sabay sa paglilingkod at pagharap sa Diyos.
Sana sa bawat pagdaan ng oras sa ating buhay maraming pangyayari ang umubos ditto, maganda man ito o hindi, alam nating ito ang bumuo sa buhay, b
By: Elsa Rivera Cruz Master Teacher II – Bataan National High School | Balanga, Bataan