PAARALAN NATIN, LINISIN, PAUNLARIN

Ang aming paaralan Malinis ang kapaligiran Ito ang paaralang Sto. Domingo.   Sa aming paaralan Maraming puno at halaman Araw-araw dinidiligan Dahil kanilang inaalagaan.   Makikita sa paaralan Mga batang nagkukulitan Mga gurong magaganda At mga halamang namumunga.   Tuwing sasapit ang umaga Ang lahat ay nakapila Kapag ang guro’y nakaharap na Uy, tahimik na…


Ang aming paaralan

Malinis ang kapaligiran

Ito ang paaralang

Sto. Domingo.

 

Sa aming paaralan

Maraming puno at halaman

Araw-araw dinidiligan

Dahil kanilang inaalagaan.

 

Makikita sa paaralan

Mga batang nagkukulitan

Mga gurong magaganda

At mga halamang namumunga.

 

Tuwing sasapit ang umaga

Ang lahat ay nakapila

Kapag ang guro’y nakaharap na

Uy, tahimik na sila.

 

Tuwing may program

Ang lahat ay Masaya

Masayang nakikilahok

Sa bawat pagsubok

 

Sinusunod nila

Ang Project Pila

Kung iyong pagmamasdan

Matutuwa ka na naman.

 

Mga kalat ay pinupulot

O! kanilang dinadakot

Kaya mga bisita

Ay sadyang pumupunta.

 

Sa aming silid-aralan

Maraming nagkakantahan

Maraming nagkukuwentuhan

At mga nag-aaral.

 

Kaya mga mag-aaral, disiplina ay pairalin

Ang project Pila ay ipagpatuloy natin

Ang mga halaman ay huwag sirain

Ang Kalinisan ng paaralan ay ating panatilihin.

By: Ms. Evangeline S. Guzman | Teacher I | Sto. Domingo Elementary School