PAG-AARAL NG KABATAAN, ONLINE O MODULAR??

                Nang dahil sa COVID 19, nahinto ang pagkakaroon ng face to face classes sa iba’t ibang paaralan sa buong mundo.. Nakakalungkot isipin na dahil lamang sa virus na ito ay hindi na makakapag-aral at mahihinto ang pagkatuto ng ating mga kabataan. Tunay na mahirap para sa lahat ang mga pangyayari dulot ng COVID 19.…


                Nang dahil sa COVID 19, nahinto ang pagkakaroon ng face to face classes sa iba’t ibang paaralan sa buong mundo.. Nakakalungkot isipin na dahil lamang sa virus na ito ay hindi na makakapag-aral at mahihinto ang pagkatuto ng ating mga kabataan. Tunay na mahirap para sa lahat ang mga pangyayari dulot ng COVID 19. Iba’t ibang platform ang inimungkahi ng Department of Education upang maipagpatuloy pa rin ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral. Sa Pilipinas ay mayroong mga distance learning modalities na maaring pagpilian ang mga mag-aaral. Ang online at modular modality ang karaniwang pinagpipilian ng mga mag-aaral dahil sa ito ang pinakamadaling paraan upang makapag-aral. Ano nga ba ang kagandahan ng modular at online classes? Mas nakabuti ba ito o hindi sa pag-aaral ng mga kabataan?

            Ayon sa ilan ay maganda ang online class dahil maaari silang mag-aral sa loob ng kanilang mga bahay. Pero, para sa ibang guro at estudyante, mahirap ito dahil sa kakulangan ng gamit para maka online class.Marami sa ating mga Pilipino ang wala pa ring magandang signal para makapasok sa online class. Bukod dito, hindi lahat ay may teknolohiya para lubusang magamit ang online class na plataporma.

Ayon sa DepEd, maaari rin namang gamitin ang mga pisikal na modules. Subalit, mahirap din ito kasi parang “self-study” lamang ang kalalabasan ng mga modules. Walang tamang pag-aaral na nagaganap kasi walang guro na tumatalakay sa mga leksyon.Ang mga mag-aaral ay kailangang aralin ang mga leksyon sa module at maaari silang humigi ng tulong sa kanilang mga magulang. Ngunit mahirap ito para sa ilang magulang dahil hindi sapat ang kanilanga kaalaman at kung minsan ay hindi din nila alam ang pinag-aarlan ng kanilang mga anak. Kung minsan nga ay hinahanap ng mga bata ang sagot sa internet at may pagkakataon din na mismong magulang ang gumagawa ng output ng kanilang mga anak bagay na tinututulan ng DepEd. Kaya naman, marami ang hindi nagustuhan ang modular learning.

Sa mga naka online class naman, karamihan ay nasiyahan dahil dito ay mayroon silang pagkakataon na makausap ang kanilang subject teacher na siyang nagpapaliwanag ng aralin. Higit nilang naiintindihan ang mga aralin na itinuturo ng guro. Ngunit sa kasamaang palad ay napuno ang mga estudyante ng gawain. Dahil hindi face-to-face ang mga klase, nagkaroon na lamang ng mas maraming gawain o online modules ang mga estudyante. Bagay na isa sa mga inirereklamo ng mga magulang.

Ngunit sa kabila ng hinaing o reklamo ng mga magulang at estudyante sa DepEd ukol sa mga modality ng kanilang mga anak ay patuloy pa rin ang pag-aaral ng mga bata. Ang mahalaga ay ginagawa lahat ng ating pamahalaan ang iba’t ibang paraan upang  magkaroon ng pantay at sapat na oportunidad para makapag-aral ang lahat. Bukod dito, dapat tinatanaw natin ang kalusugan at kaligtasan ng lahat bilang prioridad.

By: Mayette G. Garcia | Teacher III | BNHS