Pag-ibig

Kakaiba ang nadama,mula noong ikaw ay makita,batid kong may kakaiba,hindi mawari ang sapantaha. Marami ang tanong sa aking isipan,hindi ba ito’y guniguni lamang?Ako ba ay umiibig o sadyang nahihibang?Sapagkat sa iyong pagdalaw ay lagi akong nakaabang. Matatamis na salitang may kasamang pagsuyo,araw-araw ako ay hatid-sundo.Sino ang hindi mahuhulog sa iyo?Tuwing kasama ka ay panatag ako.…


Kakaiba ang nadama,
mula noong ikaw ay makita,
batid kong may kakaiba,
hindi mawari ang sapantaha.

Marami ang tanong sa aking isipan,
hindi ba ito’y guniguni lamang?
Ako ba ay umiibig o sadyang nahihibang?
Sapagkat sa iyong pagdalaw ay lagi akong nakaabang.

Matatamis na salitang may kasamang pagsuyo,
araw-araw ako ay hatid-sundo.
Sino ang hindi mahuhulog sa iyo?
Tuwing kasama ka ay panatag ako.

Hindi lamang basta kilig ang aking nadarama,
alam kong ikaw ay hindi na kayang pakawalan pa.
Habang lumalalim ang ating pagsasama,
nakita ko ang aking sarili na may kakaibang saya.

At sa iyo ay ibinigay ang matamis na oo,
sapagkat sa iyo ay nakikisiguro,
ang pagmamahal na iniaalay mo ay tapat at walang pagbabalatkayo.