Pag-ibig sa Kulay Itim

Kakaibang liwanag ang nasilayan, hikbi ko’y di na namalayan ang silaw, Ang luha ko’y pawang makabubuo ng lawang mapanglaw, Higit na mas masakit pa kaysa sa init ng sikat ng araw, Kung sa kanila’y kaligayahan, sa’kin nama’y dilim ang nangibabaw. Iyong kaanyuan ay alamat ng masamang pangitain o kasamaan, Nung nasa piling kita, ika’y simbolo…


Kakaibang liwanag ang nasilayan, hikbi ko’y di na namalayan ang silaw,

Ang luha ko’y pawang makabubuo ng lawang mapanglaw,

Higit na mas masakit pa kaysa sa init ng sikat ng araw,

Kung sa kanila’y kaligayahan, sa’kin nama’y dilim ang nangibabaw.

Iyong kaanyuan ay alamat ng masamang pangitain o kasamaan,

Nung nasa piling kita, ika’y simbolo ng kapayapaan,

Tuwing gabi’y, ang trato ng kapwa ko sa’yo ay lapastangan,

Ngunit mangmang lamang ang bulag sa iyong mabuting kalooban.

Sa iyong huling hantungan, hawak ko ang pangbungkal ng lupa,

Sa tirik ng Haring Pebo, sumabay ang himagsik ng ulan,

Nakatulong sa pagkubli ng luha kong gumuhit sa aking mukha,

Habang inaalala ang mga dagliang masasayang nakaraan.

Walong taon bago mo lisanin ang mundo ng kalupitan

Buong buhay ko ang tinuring mong tahanan,

Di mapantayan at pumanaw kang walang kasalanan,

Itim na pusa sa kanilang paningin, ika’y alaga kong kabilang sa sangkatauhan.

“Paalam, Muning”

By: Kim Howell M. Gutierrez | Teache I | Olongapo City National Highschool | OLongapo City