Pagbabago Para Sa Kalikasan

          “Change is coming.”  Ito ang madamdaming pahayag ng ating bagong halal na pangulo  ng  na tumatak sa isipan ng mga mamamayan na umaasang mababago ang sistema ng pamumuno na matagal ng inaasam at inaabangan ng mga Pilipino.           Maraming isyu   ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan na kinakailangan ng maingat at masusing pag-aanalisa.…


          “Change is coming.”  Ito ang madamdaming pahayag ng ating bagong halal na pangulo  ng  na tumatak sa isipan ng mga mamamayan na umaasang mababago ang sistema ng pamumuno na matagal ng inaasam at inaabangan ng mga Pilipino.

          Maraming isyu   ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan na kinakailangan ng maingat at masusing pag-aanalisa. Ngunit kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran na nangangailangan ng agarang aksyon at pagsagawa. Ang ating mundo ay nakararanas ng malawakang pagbabago sa klima at panahon.Ang panahon ay maaaring bigyan ng prediksyon,ngunit paano kung ang hinala ay hindi maging katotohanan sa hindi inaasahang pagbabago ng panahon?

          Ang patuloy na pagkasira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sandaigdig ay may malaking epekto sa lahat ng antas ng kabuhayan lalu’t higit sa pag-aaral.. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang global warming ay ang pagtaas ng  temperature ng ating mga  karagatan   at atmospera gayundin  ang patuloy  na paglala nito.  Sinasabi ng mga   siyentipiko  at    mga  eksperto   na  ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer ng ating atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon.           

                Ang ozone layer ang siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang  ang mga mabubuting sinag lamang ang makapasok sa ating atmosphere. Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Dapat lamang na sa abot ng  ating makakaya ay ating alamin ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer kung ang ating gobyerno ay magsasagawa ng mga hakbang na makakatutulong sa pagsugpo sa mga gawaing nakasisira ng ating kapaligiran at magpatupad ng mga batas ukol  dito.

          Hindi lamang sa ating kasalukuyang henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Ang epekto nito ay malaking perwisyo lalo sa mga kabataang nag-aal. Hindi sila makapagkonsentra sa kanilag pag-aaral dahil sa napakatinding init na nararanasan sa loob ng silid-arala. Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Magkaisa tayo upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.

      

Source:www. Google.com/Science Spectrum 6

By: Mrs. Florinda L. Bantog | Teacher III | Limay Elementary School | Limay, Bataan