Ang pagbabasa ay isang mahalagang kasanayan kung saan tumitingin ka sa mga salita sa isang pahina at nauunawaan kung ano ang sinusubukang sabihin sa iyo ng may-akda. Ito ay tulad ng paglutas ng isang palaisipan na may mga titik at tunog upang malaman ang kuwento o mensahe.
Maraming bagay ang iyong matututunan sa pagbabasa. Magiging malawak ang iyong imhinasyon. Mas madali nating mauunawaan ang bawat isa dahil magkakaroon nang maayos na komunikasyon. Ang pagbabasa ay isang masaya at kapaki-pakinabang na bagay na maaaring makapagpasaya sa iyo at matuto ng mga bagong bagay.
Sa unang pasok pa lamang ng isang mag-aaral ay tinuturuan na sila ng kanilang mga guro sa paaralan kung paano bumasa. Ngunit isa sa nagiging balakid ay ang pag-unawa sa binabasa. Ito ay mahalagang matutunan ng isang tao upang magamit sa pang araw-araw na pamumuhay.
Sa madaling sabi, kailangang matutong magbasa ang mga mag-aaral at lubos na unawain ang kanilang binabasa dahil marami itong maitutulong sa kanila. Malaki ang epekto ng pagbabasa dahil ito ang naghahanda sa atin sa panghabambuhay na pag-aaral. Malaki ang maitutulong nito sa ating buhay. Mas mapapadali natin ang ating mga trabaho. Magiging matagumpay tayo sa ating gagawin sa buhay.