Tatlong taong pandemya ating nasaksihan
Bagong pamumuhay ating nakagisnan
Naging bihag ng ating sariling tahanan
Pagbangong muli atin sanang makayanan
Bata’t matanda ay parehas na naapektuhan
Ng pandemya na pilit nating nilulunasan
Ang buong mundo ay naturingang natamaan
Ng sakit na sumindak ng buong sambayanan
Ngayon tayo ay tumatayong muli
Sa hamon ng buhay ay hindi papahuli
Sa pagbabalik ng nakagisnan tayo’y maging maingat
Maging responsableng mamamayan dahil iyon ay dapat
Samot saring ingay ang naririnig habang nagaantay ng jeep
Nayayamot na ang driver na tila bay halatang naiinip
Barya lang po sa umaga kanyang isinambit
Wala ng bakante bawal ang sumasabit
Panibagong taon para sa mga magaaral
Edukasyon ay harapin ng may magandang asal.
Bumangon ng may kasamang pananabik
Baon ang mga aral na natutunan sa pagbabalik.
By: Geraldine L. Quiniola|Teacher I|Olongapo City National HighSchool|Olongapo City