PAGDIDISIPLINA: Paano ba?

Ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng trabaho ngayon ng guro ay ang pagdidisiplina sa mga bata. Iba’t-ibang pag-uugali ng mga bata ang kailangan timbangin ng guro araw-araw. Paano ba sila mapapasunod?   Magkaroon ng panuntunan sa loob at labas ng paaralan. Dapat maging strikto ang guro sa kanyang mga ginawang panuntunan. Kapag ang isa…


Ang isa sa pinakamahirap na bahagi ng trabaho ngayon ng guro ay ang pagdidisiplina sa mga bata. Iba’t-ibang pag-uugali ng mga bata ang kailangan timbangin ng guro araw-araw. Paano ba sila mapapasunod?  

  1. Magkaroon ng panuntunan sa loob at labas ng paaralan. Dapat maging strikto ang guro sa kanyang mga ginawang panuntunan. Kapag ang isa rito ay hindi niya nasunod mawawalan ng tiwala ang bata sa kanya.
  1. Huwag sigawan ang bata sa harap ng kanyang mga kaklase kung siya’y nakagawa ng mali. May mga bata na maramdamin at natatanim sa kanilang puso’t isipan ang mga ganitong sitwasyon at nagkakaroon ito ng negatibong epekto sa kanilang pagkatao. Kausapin siya ng maayos at ipamulat sa kanya ang epekto ng isang maling gawain para sa susunod hindi niya na ito gagawin.
  1. Higit sa lahat maging patas sa lahat ng pagkakataon upang maiwasan ang inggitan sa loob at labas ng silid-aralan.

By: Rheniel B. Gatdula | T-1 | Capunitan Elementary School