PAGHAHANDA PARA SA PAGTAAS NG PUWESTO NG ISANG GURO: DI-BIRO

            Natural na reaksyon ng isang guro kung sakali at may magtanong sa kanya nang: “Nais mo ba ng mataas na puwesto?” “Siyempre! Sino ang aayaw sa dagdag suweldo?” Malamang ito ang mabilis na isasagot mo.             Pero kung gaano siguro kabilis ang iyong sagot, dapat mabilis mo ding isipin ang…


            Natural na reaksyon ng isang guro kung sakali at may magtanong sa kanya nang: “Nais mo ba ng mataas na puwesto?” “Siyempre! Sino ang aayaw sa dagdag suweldo?” Malamang ito ang mabilis na isasagot mo.

            Pero kung gaano siguro kabilis ang iyong sagot, dapat mabilis mo ding isipin ang kaakibat na responsibilidad ng magiging puwesto mo kung sakali.

            Subalit kung may mga sapat kang karanasan at mga katangian, walng dahilan upang mag-ala-ala ka. Kahit pa balak kang ipuwesto bilang isang Department Head o Punong- Guro ng isang paaralan. Kung para sa Master Teacher naman ay kailangan mong pag-aralang mabuti ang mga job responsibilities ng isang MT, dahil kung minsan ay may mga MT’s na idinadaing ng kapwa guro. Kung alin daw ang malaking suweldo ay siya pa ang maginhawa sa mga assignments. Siguro ay may dahilan naman, kaya parang sa paningin ninyo ay maginhawa siya. Pero sa totoo naman pala ay marami siyang ibang task o gawain na iniatang ng punong-guro.

            Anu’t-anuman ay kailangang palaguin pa ng isang guro ang kanyang mga kasanayan sa mga sumusunod.

  1. Pakikisalamuha sa kapwa guro, mag-aaral, punong-guro at mga taga pamayanan. Kailangang mahusay ka sa pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan. Habang tumataas ang iyong puwesto ay mas kailangan mo ang kapwa.
  2. Pag-gawa ng desisyon. Ang isang mahusay na pinuno ay mahusay magpasya. Isinasangkot niya ang mga kapwa guro sa pagpapasya sa mga isyu na may kinalaman sa paaralan at sa mga bata at guro.
  3. Mahusay ka din dapat sa Pagganyak. Maging ito ay sa gagawing gawain sa paaralan o sa loob ng klase.
  4. Pag-oorganisa. Ang isang magaling na guro o punong- guro ay mahusay sa pag-oorganisa. Masinop at sistematiko sa paggawa at sa mga bagay na kailangan, maging ito ay tungkol sa programa ng paaralan, mga pagawain at pakikipag-ugnayan sa mga NGO’s at LGU’s.

Mga guro kung sa tantiya mo ay kaya mo, bakit hindi mo subukan? Itanong mo na sa punong-guro kung kelan ang susunod na ranking para sa pronotion.

Reference:

      Torio, L. V. Management Practices of Elementary School Administrators in the Public Elementary Schools, Division of Bataan. Unpublished Master’s Thesis, Bataan Peninsula State University, (2012)

By: NANCY P. MACARAIG | TEACHER III | LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL