Dahil sa bumababang bilang ng kaso ng mga tinatamaan ng COVID 19. Ang lahat ay abala sa nalalapit na posibilidad na muling pagbubukas ng mga paaralan para sa mga mag-aaral.
Ang mga magulang guro at iba’t-ibang ahensya ay umiisip ng paraan kung paano magiging ligtas ang pagbubukas ng klase.
Bawat guro at lahat ng bahagi ng mga paaralan kabilang ang Elementarya ng Cataning ay ginagawa ang lahat upang maging produktibo at siguradong mailalayo sa virus ang bawat isa. Ang lahat ng manggagawa kasama na ang mga guro ay nakatanggap na ng kumpletong bakuna. Ang iba ay kasalukuyang tumatanggap ng booster upang mas lalong magbigay proteksyon sa lahat hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa pamilya at mga taong nakapaligid sa atin.
Ang lahat ng paghahandang ito ay para sa bata, para sa bayan at lalo’t higit sa muling pagbangon at pagbibigay sigla sa adhikain na muling buhayin ang face to face classes para maibigay ang edukasyon na lubhang kailangan ng mga mag-aaral.
Ang virus ay nasa paligid pa rin ngunit kailangan nating unti-unting paglabanan sa ligtas na pamamaraan ang pagbabalik eskwela.
Ayon sa Balita Online nitong Setyembre 20,2021
Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tutukuyin pa ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang mga lugar na pagdadausan ng klase.
Nilinaw ni Roque, hindi araw-araw ang pasok sa paaralan at sa halip ay gagawin ito isang beses kada dalawang linggo at kalahating araw lamang.
“Kailangan may suporta ng local government units sa pamamagitan ng resolution o letter of support at kinakailangan po merong written support and consent ng mga magulang,” katwiran ni Roque.
Paliwanag naman ni DepEd Secretary Leonor Briones, dakong 11:00 ng umaga.
“This is wonderful, this is a great day tungkol sa edukasyon dito sa ating bansa,” aniya.
“Kailangan papasa sa Department of Education kung saan tayo magho-hold ng face-to-face classes,” paliwanag nito.
Kaya’t masasabing ang lahat ay sinisugurado na maging ligtas ang posibilidad na muling pagpapatupad ng face to face classes.
By: Joyce U. Deticio | Teacher 1| Cataning Elementary School