Hinango mula sa putik
Anuman ang uri’t pitik,
Tsaka pinino’t sinala,
“Yon na ang gintong simula.
Kumurot ng piraso,
Pinaikot sa tila tsubibo,
May ingat, may bigat,
Inayon sa disenyong hangad.
Kung lalabis ay bibitak,
Kung kulang ay mayuyurak
Handang ulitin sa umpisa
‘Di gawi ang pagpapabaya.
Oras na ginugol sa paghulma
Dadaigin kapag isinalang na,
Idadarang sa init nang mabuo
Mauuwi sa palayok na animo’y ginto.
Tulad ng bagay na ito,
Buhay, husay, talento,
Inihulma ng ‘sang guro
Bukas ay sinikap na mabuo.
Kahit ngayong suliranin ang layo,
Ginugugulan ng lakas at talino,
Mahal na mag-aaral ay motibasyon,
Mahubog sila ang siyang layon.
By: Willia C. Bacsal | MT II | Olongapo City National HIghschool | Olongapo City