Isang karangalan ang makapagsilbi sa mga batang nagnanais na matuto. Bilang mga guro responsibilidad natin ang paghubog sa mga mumunting isipan ng mga mag-aaral upang magamit nila sa kanilang kinabukasan. Tayo ang gumagabay sa kanilang pag-aaral.
Maraming kaalaman ang maibibigay natin sa kanila na hindi kayang ibigay ng kanilang kapaligiran. Katulad ng pagganyak sa kanila sa tamang paggamit ng makabagong teknolohiya. Di lingid sa lahat na napakalaking pursyento ng mga mag-aaral ang gumagamit ng mga “gadgets” sa di tamang paraan. Narito tayong mga guro upang gabayan sila sa wastong gamit nito.Layunin din nating maproteksyunan sila sa masamang dulot nito tulad ng pagkakalulong sa mga “computer games”.
May pananagutan tayo sa mga batang ating tinituruan, dapat nating isipin na sa itong seryosong gawain. Kaya dapat nating mahalin ang mga batang ating pinaglilingkuran. Tayo ng tagahubog ng mga henerasyon na bubuo sa ating bansa.
By: Catherine C. Pontanoza | Teacher I | Pablo Roman Elementary School | Orion, Bataan