PAGKAKAUGNAY NG PAGTUTURO NG ARALING PANLIPUNAN AT NG ASIGNATURANG FILIPINO

Sa halos mahigit sampung taon kong pagtuturo ng Aralin Panlipunan ay nabigyang pansin ko na ang pagtuturo ng Aralin Panlipunan ay halos kaugnay din ng pagtuturo ng asignaturang Filipino.            Nabigyangpansin ko rin na halos lahat ng itinuturong asignatura sa paaralan ay may pagkakaugnay.  Ang Agham at Matematika ay itinuturing na mga eksaktong agham.  Ang…


Sa halos mahigit sampung taon kong pagtuturo ng Aralin Panlipunan ay nabigyang pansin ko na ang pagtuturo ng Aralin Panlipunan ay halos kaugnay din ng pagtuturo ng asignaturang Filipino. 

          Nabigyangpansin ko rin na halos lahat ng itinuturong asignatura sa paaralan ay may pagkakaugnay.  Ang Agham at Matematika ay itinuturing na mga eksaktong agham.  Ang Ingles at Filipino ay parehong tumatalakay sa Wika at Panitikan ng iba’t-ibang lugar sa daigdig, samantalang ang Technology and Livelihood Education (TLE) ay halos ay naiuugnay din sa pagtuturo ng iba’t-ibang asignatura.  Halimbawa sa pagtuturo ng Entrepreneurship, na isang paksang tinatalakay sa TLE, ay tinatalakay din sa Aralin Panlipunan IV, maaari ding matalakay sa matematika, English at Filipino at sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (EsP).

          Isinasaad sa Kautusan ng kagawaran Blg.31 s. 2013 na ang layunin ng pagtuturo sa lahat ng mga  asignaturang ito ay upang lalo pang masanay sa kritikal na pag-iisip at pagpapasiya at ng pagiging malikhain ang mga mag-aaral sa mga asignaturang itinuturo sa kanila.  Ang mga akdang pampanitikan sa iba’t-ibang panig ng mundo  ay inaasahang lalo pang tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maunawaan ang ginamit na wika, kultura at pamumuhay ng mga tao sa karatig-bansa ng Pilipinas. Lalo pang nakatutulong ang mga akda para sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga kultura.  Ang pag-aaral ng gramatika at retorika  sa Filipino para sa malalim na pagsusuri ng iba’t-ibang akda ay malaki ang naitutulong sa pag-aaral ng Aralin Panlipunan.

            Madalas nagagamit ang mga akda bilang springboard sa pagtuturo ng mga iba’t-ibang asignatura, lalong-lalo na sa Aralin Panlipunan.  Halimbawa sa pagtalakay ng mga naging buhay ng mga bayani ng ating bansa.

           Ang panitikan ay matibay na batayan sa pagtuturo ng Aralin panlipunan, sapagkat ito ay minanang hiyas na nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa atin sa ibat-ibang kultura ng bansa sa daigdig.  Sa bawat pahina ng panahong nagdaan, nabubuksan din ang kamalayan at pag-unawa sa natatanging kontribusyon ng iba’t-ibang akda kagaya ng alamat, maikling kuwento, sanaysay, dula tula, pabula, apiko at nobela.

          Tinatalakay sa Aralin Panlipunan ang heograpiya ng ating bansa ganun din naman ng iba’t-iba pang mga bansa, sa ganitong mga aralin, ang paggamit ng panitikan ay makikita natin ang impluwensiya sa ating mga Pilipino.  Ayon sa Modyul ng panitikang Pilipino para sa Grade 9, masasabing hinuhulma nito ang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan, tulad ng ating mga saloobin, pamumuhay at pag-uugali sa isip at sa salita.

          Malaki ang pagkakaugnay ng Aralin panlipunan at ng araling Filipino, lalong-lalo na sa pag-aaral ng kasaysayan ng ating bansa at maging ng iba pang mga bansa. 

Sanggunian:

 Kagawaran ng Edukasyon .Panitikang Asyano. Modyul ng Mag-aaral sa FILIPINO

By: Medina R. Failagao |Teacher III | Bataan National High School | City of Balanga, Bataan