lang taon na ba ang Pandemya? Tanong ko sa aking sarili. Tanong na alam ko naman ang kasagutan.lang taon na ba ang Pandemya? Tanong ko sa aking sarili. Tanong na alam ko naman ang kasagutan.Hay Patay na patay na ang Ekonomiya ! Paano ng aba namatay ang ekonomiya ng ating bansa? Ano ang nagging sanhi o ugat ng pagkamatay?Bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang buong Bansa? Bakit dumanas ng ganitong kalamidad ang ating bayan? Maituturing bang kalamidad ang Pandemya? Kailan at Paano ito magwawakas?Hindi lingid sa atin ang pagbagsak ng Ekonomiya ng ating bansa. Ito ay isang suliranin na kinakaharap ng isang bansa na nalugmok .Bago sumapit ang pandemya ay masigla pa kahit papaano ang ekonomiya ng ating bansa may sapat tayong pondo na ating naitutustos sa ating mga pangangailangan.Ngunit dumating ang Covid-19 na lubhang nagpahirap sa ating bansa , namatay ang mga turismo ng ating bansa, ipinasara ang pantalan at panghimpapawid na sana sa umpisa pa lang ay isinara na upang hindi na ito nakapasok pa sa ating bansa. Marami ang dumaing , kabikabilaan ang mga dumaranas ng karamdaman na ultimo mga manggagamot ay nagging apektado na. Marami ang mga maliliit na Negosyante ang napilitang isara ang kanilang pinagkukuhanan ng ikabubuhay na tuloy pa din ang renta nila sa kanilang unit. Marami ang nawalan ng trabaho , marami ang nagsara ang pabrika, nagbigay naman ng Ayuda ang ating mga local at national na gobyerno upang pantawid gutom sa ating mga mamamayan, ngunit ito ay panandalian lamang, hindi sapat ang karampot na tulong na kung lilimiin ay pili lang ang nabigyan . marami ang umangal sa nasabing bigay Ayuda , dahil ang mga mahihirap lang daw ba ang nagugutom, marami ang nagreact dahil ang ating gobyerno ay masasabi kong nagging patas naman dahil nga Nakita nila na mamamatay ang mga mahihirap kapag sila ay walang tulong Pinansyal. Dahil sa kagaya kong nagtratrabaho sa gobyerno , buwan -buwan ay may natatanggap akong sahod na maaari kong ipambili ng aming mga pangangailangan sa buhay. Ngunit mas lalong nagpahirap sa ating ekonomiya ang nagsulputang mga maling balita o fake news na lubhang tinangkilik ng ating mga mamamayan kaya hindi kaagad masugpo ang naturang pandemya . Kaya marami ang mga mamamayan ang kontra sa pagbibigay ng vaccination sa bawat indibidwal . kung sana ay nagging bukas ang ating kaisipan na ito ay magdudulot sa atin ng kaligtasan hindi siguro tayo haharap sa matagalang pagsugpo ng nasabing kalamidad.Paano nga ba namamatay ang ekonomiya ng bansa, simple lang ang sagot kawalan ng disiplina , kapag kase ang nasasakupan ay walang disiplina damay-damay na lahat yan. Ito ay isang sakit na nating mga mamamayan wala tayong disiplina . Kaila ba magwawakas ang pande,ya ? walang katiyakan dahil marami parin ang ayaw sumunod . ano ang ugat nito ? ang ugat uli Pagkagahaman hanggat ang mamamayan ay pansarili lang ang iniisip hindi ito maghahatid sa atin ng kaginhawahan. Bakit tayo humantong sa ganitong sitwasyon ? Simple lang ang sagot itanong natin sa ating mga sarili tayo ba ay may disiplina?Maituturing bang kalamidad ito ? ang sagot Yes dahil kalusugan natin ang nakataya.Maituturing din bang kalamidad ang pagkamatay ng Ekonomiya ? ang sagot opo dahil isang kalamidad ang tag-gutom lalo at ito ay malawakang krisis ng pagkagutom, at kapag gutom na ang umatake sa bawat indibidwal magkakaroon ng malawakang nakawan , Patayan, at pagkasira ng ating isipan . dahil ang nakataya dito ay ang ating kalusugan. Paano natin maibabalik ang Nawalang Ekonomiya o kasiglahan ng ating bansa , Simple din ang sagot samasamang pagtutulungan at taos pusong pakikiisa at pagmamahal sa ating sarili at kapwa, ‘’ Disiplina ‘’ iyon dun tayo kumapit, Dahil ang isang bansang puno ng Disiplina makikita mo ang result anito , kaginhawahan at kaunlaran ng bawat Isa,,,,,,,,,,,,,
Muli Mabuhay tayong mga Pilipino at ipatupad ang Disiplina sa bawat isa dahil iyon ang magiging sandata ng bawat mamamayan upang tayo ay maging matagumpay sa hamon ng Pandemya”!
By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS