Paglalakbay

SANAYSAY               Ang edukasyon  ay maihahalintulad sa isang butil ng mustasa na itinuturing na pinakamaliit na buto sa lahat ng uri ng binhi.  Kapag natanim na at namunga, ito’y nagiging pinakamalaki sa lahat ng mga gulay , anupa’t pati mga ibon ay namumugad sa mga sanga nito.           Ang pagpasok ng mga bata…


SANAYSAY

 

 

          Ang edukasyon  ay maihahalintulad sa isang butil ng mustasa na itinuturing na pinakamaliit na buto sa lahat ng uri ng binhi.  Kapag natanim na at namunga, ito’y nagiging pinakamalaki sa lahat ng mga gulay , anupa’t pati mga ibon ay namumugad sa mga sanga nito.

          Ang pagpasok ng mga bata sa paaralan  ay maihahambing sa iisang mahabang paglalakbay.

          Nagsisismula ito sa unang pagyapak ng bata sa unang baiting ng paaralan. Punong-puno ng pangarap at pagnanais na matutuhan ang maraming bagay. Kung paanong ang pagbasa at pagsulat ang unang nais matutuhan, ang pagbilang at pag-aaral sa iba’t ibang aralin. Na ang dating maliit na sala lamang ang ginagalawan ay biglang lalawak, maiiba ang mga taong makikilala at pakikitunguhan.

          Ang batang dati ay basta lamang papasok sa paaralan ay nagtatagal na ngayon sa pagharap sa salamin, nagpupulbos at pandalas sa pag-aayos ng buhok. Namimili ng  sariling kasuotan, naiba at nadagdagan na naman ang mga kaibigan.  Katulad ni Binggo sa Dekada ’70 ni Lualhati Bautista,  na anak ni Amanda nang  matutong magbisikleta,  una sa bakuran lamang nalilibang , ng lumaon iniikot na ang buong subdibisyon ng kanilang lugar. At sa huli gusto mas malayo pa ang marating. Ayaw ng sumama sa lakad ni Tatay at Nanay gusto ng kasama si “Besti at si Boyfi” at naglilihim na sa mga bagay na mas gusting ikuwento at sabihin sa kaibigan.  Iba na ang pinag-aaralan Algaebra, Geometry,Biology, Kasaysayang ng Daigdig, Noli Me Tangere  at napakarami pang pag-aaral  na itinatanong sa sarili para saan kaya ito? Kailan ba matatapos ang mahabang pagreresearch, pagrereview at ang nakatutulirong assignment ni Maam at Sir.

          Dyan..dyan dyaran… natapos din.  Uppss di pa may nadagdag pang dalawang taon.  Mas mahirap pala, mas maraming dapat aralin. Outreach program doon,research subject dito Pananaliksik sa Filipino ,Oral Communication kay Maam  tinagalog sa isa naging Sining ng Komunikasyon.Lahat kinaya, sigzag naman ang daang tatahakin liku-liko nakakahilo, nakakalito.

          Natapos din sa High School kolehiyo na… anon a ang daang sususnod,pagharap sa mas seryosong pag-aaral Patuloy na magsikap para sa mas magandang buhay.

        Nakakatuwang sa haba ng paglalakbay, tagumpay pa rin ang inaasahang makamit, naglalakihamg tarpaulin na nakaukit ang pangalan bilang isang arkitekto, inhinyero, doctor at napakaraming pagtatapos na hindi na mabilang.

          Ang dating maliit na buto isa na ngayong malaking bunga… malaki sa lahat ng uri, may nakasilong pang ibon sa sanga  ibig sabihin” may umaasa at nakikinabang na sa kanya.”

Ikawsaang daan ang takbo mo? Tuwid..liko-liko o huminto ka na dahil naubusan ng gasolina o plat na pala ang gulong ng sasakyan mo”.

By: Ireen T. Flores | T-III | Bataan National High School | Balanga, Bataan