Ayon kay Mizner, isang manunulat, “Ang isang magaling na tagapakinig ay hindi lng nagiging sikat kung saan man siya madako ngunit higit sa lahat siya ay maraming natututuhan.”
Tama ang sinabing ito ng manunulat sapagkat ang isang magaling na tagapakinig ay nagdaragdag ng kaalaman, ayon kay Pat Villafuerte, isang magaling na professor sa wikang Pilipino, “Napakahalaga ng pakikinig sa buhay ng tao,” Sa pamamagitan nito ay natutuklasang makabuluhan ang bawa’t tunog o salitang naririnig, lalo’t ito ay patuloy na nagiging bahagi ng pang araw-araw na gawain.
Sinabi pa niya na napatunayan nan g mga mananaliksik, simula pa sa pagkasilang ng tao ay may puwang na ang pakikinig sa mga bagay-bagay sa ginagawa ng tao, intensyunal man o hindi. Sa pagiging sanggol pa lamang ay gumagana na ang pandinig ng tao. Nakapikit man o hindi, nauulinigan niya ang huni ng mga ibon, ang ihip ng hangin, ang pagaspas ng dahon, ang tunog ng mga instrument at mga gamit sa tahanan, tunog ng mga laruan, yabag ng mga taong dumarating, at maging ang tinig ng nagsasalita.
Iba’t-iba ang kahulugan ng pakikinig
- Ayon kay Nisolos, (1998) ito’y prosesong panloob na hindi tuwirang nakikita.
- Ang pakikinig ay ang kakayahang makakilala at maunawaan ang sinasabi ng kausap, Young, (1993)
- Ayon naman kay Pierro, (1988) ito’y isang pasibo at hindi aktibong proseso ng pagkuha at pagbuo ng mensahe mula sa daloy ng tunog.
- Ito’y isang kakayahan na matukoy at maunawaan ang sinasabi ng iba. Nakapaloob ditto ang pag-unawa sa wastong pagbigkas ng nagsasalita, balarila, talasalitaan at pagpapakahulugan. Ang apat na nabanggit ay dapat taglayin ng nagsasalita.
Sa kabuuan, sa pamamagitan ng pakikinig ay natutuklasan ang nasa pagitan ng karunungan at kamangmangan, informasyon at di-information, kasayahan at kabagutan.
Mga Sanggunian:
Villafairte, P.V. Ang Epektibong Pakikinig:Mabisang Paraan sa Pagkatuto ng Wika- RAP Journal, Vol XXVIII, (2005)
Nicholas L.N. (1998) English Teaching Forum
By: NANCY P. MACARAIG | TEACHER III | LUAKAN NATIONAL HIGH SCHOOL