Pagmamahal sa tamang panahon!

Kailan ba sumisibol ang pagmamahal? Totoo ba ang pagmamahal?May tamang panahon ba ito o sadyang mapaglaro ang tadhana?Kailan ba sumisibol ang pagmamahal? Totoo ba ang pagmamahal?May tamang panahon ba ito o sadyang mapaglaro ang tadhana?Sino at ano ang hatid nito sa atin?Ikaw nakaranas ka na ba ng pag-ibig? Tanong ko sa karamihan. Marami ang sasagot…


Kailan ba sumisibol ang pagmamahal? Totoo ba ang pagmamahal?May tamang panahon ba ito o sadyang mapaglaro ang tadhana?Kailan ba sumisibol ang pagmamahal? Totoo ba ang pagmamahal?May tamang panahon ba ito o sadyang mapaglaro ang tadhana?Sino at ano ang hatid nito sa atin?Ikaw nakaranas ka na ba ng pag-ibig? Tanong ko sa karamihan. Marami ang sasagot ng oo, hindi pa, hindi totoo yan, walang forever , yan ang palasak na sagot ng bawat indibidwal satin. Lalo na kung ito ay kasalukuyang nasa stage ng kilig at kalungkutan.Hay totoo ba itong pagmamahal, ang sagot ay depende sa ating mga tao dumanas o nakaranas , paano mo ito naramdaman paano mo ito natanggap o paano mo ba ito naranasan.Sadya bang mapaglaro ang tadhana ? Ang sagot oo .bakit ? dahil kahit na ikaw ay nakatali na may sisibol na munting paghanga sa ating kapwa , magiging mahalay lang ito kung iyo itong isasakatuparan o isasabuhay . kaya marami ang nagkakaroon ng tinatawag na third party sa kadahilanang ito ay ating tinangkilik . hindi masama ang humanga o magkaroon ng pitak sa iyong puso ang iba ngunit sa tamang oras at panahon. Ang tanong Ninyo marahil kailan ang tamang panahon na iyon , kailan ang tamang oras, siguro walang tamang oras at panahon dahil sabi nga natin mapaglaro ang tadhana .Ikaw na may katawan ikaw ang mag aadjust ikaw ang magdadala nito kaya nga inilagay ang ulo sa mataas kaysa sa puso kase ikaw ang gagawa ng solusyon kung paano mo ito reresulbahin. Sa panahon natin ngayon maraming mahalay at di kanais nais ang ating mapapanood, nakikita at nababalitaan hiwalayan, palitan ng asawa, maagang nag-aasawa na nagreresulta ng hiwalayan dahil ang katwiran hindi pa daw iyon ang kanilang pag-ibig.Sa panahon natin ngayon maraming mahalay at di kanais nais ang ating mapapanood, nakikita at nababalitaan hiwalayan, palitan ng asawa, maagang nag-aasawa na nagreresulta ng hiwalayan dahil ang katwiran hindi pa daw iyon ang kanilang pag-ibig.Kaya dapat bago tayo sumubo sa isang sitwasyon isipin natin ang kakahinatnan ng ating gagawin marami tayong isasaalang -alang sa buhay na masasagasaan natin kapag tayo ay sumunod sa utos ng ating damdamin.Minsan natataya ang ating Kaisipan sa ganitong larangan . may nawawala sa tamang pag-iisip at minsan ay nagdudulot ng pagkitil sa sariling buhay.Kaya ang bawat isa habang ikaw ay bata pa o kasalukuyang naghahanap ng iyong kapareha wag kang magmadali sa iyong kabataan iyo munang timbangin kung siya na ba ang iyong hinihintay o pawang tawag ng laman lamang ang iyong nararamdaman.Dahil sab inga sa kasabihan :‘’Hindi yan parang kanin na isusubo ,iluluwa kapag napaso’’!

By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS