Ang pagpapatunay ng kakayahan sa pagbasa ay isang mahalagang hakbang tungo sa mas mahusay na pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pagpapatibay ng kanilang mga kasanayan sa pagbasa, mas matutulungan silang maabot ang mas mataas na antas ng pag-unawa at akademikong tagumpay. Ang prosesong ito ay hindi lamang naglalayong masukat ang kanilang kasalukuyang antas ng pagbasa, kundi pati na rin matukoy ang mga kinakailangang interbensyon upang mas mapaunlad pa ang kanilang kakayahan. Sa huli, ang layunin ng pagpapatunay ng pagbasa ay upang magbigay daan sa mas epektibo at matagumpay na pagkatuto para sa lahat ng mag-aaral.
Sa pagbabalik ng mga mag-aaral sa face-to-face na paraan ng pag-aaral, isa sa mga pangunahing hamon na hinaharap ng mga guro sa lahat ng antas ng edukasyon ay ang problema sa antas ng pagbasa ng mga estudyante. Hindi natin maaaring sisihin ang sinuman sa kasalukuyang kakayahan ng mga mag-aaral dahil sa mga di-inaasahang pangyayari.
Upang matukoy ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, naglunsad ang Cataning Integrated School ng isang programa. Sa pamumuno ni Gng. Lisa G. Austria, ang punungguro ng paaralan, at katuwang si G. Randy N. Tallorin, Assistant principal, isinagawa nila ang pagpapabasa sa mga estudyante. Layunin nilang mapataas ang antas ng pagbasa ng isandaang porsiyento ng mga mag-aaral. Sinimulan ang programa sa mga Grade 1 at Grade 2, kung saan ang mga guro ay matiyagang naglalaan ng oras para sa pagpapabasa sa mga bata, kahit na hindi sakop ng kanilang mahigpit na schedule.
Ang programang ito ay hindi lamang para mapataas ang antas ng pagbasa ng mga mag-aaral, kundi para rin malaman ng mga guro kung saan at paano nila bibigyan ng interbensyon ang mga estudyante. Ang mga natutunan mula sa programang ito ay magiging gabay sa mas epektibong pagtuturo at pagkatuto ng mga bata sa pagbasa.
Pinangunahan ang programa ng Principal na si Gng. Lisa G. Austria at Assistant Principal na si G. Randy N. Tallorin, kasama ang mga DepEd Administrative Assistant (ADAS) at mga utility staff.
Ang aktibidad ay nagsimula sa “Parade of Colors” na nilahukan ng Purple Team, Red Team, Yellow Team, at Green Team. Pagkatapos ng parada, isinagawa ang kompetisyon para sa Best Muse at Best Yell/Cheer. Pinagpawisan ang mga muse ng bawat team dahil sa mga mahihirap na tanong mula kay Master Teacher I, Gng. Rosita B. Forbes. Nosebleed ang mga kalahok dahil kinakailangan nilang sumagot ng Ingles sa Q&A portion. Hiyawan ang mga manonood habang sumasagot ang mga kalahok, at lahat ay sabik na marinig ang mga sagot ng bawat isa.
Pagkatapos ng mga paunang aktibidad, sinimulan ang Sportsfest proper. Ang lahat ng manlalaro ay nag-warm up muna bago simulan ang volleyball. Narito ang mga resulta ng mga aktibidad sa Sportsfest: Best in Muse ay ang Blue Team, Best in Yell/Cheer ay ang Green Team, at ang Champion sa volleyball ay ang Yellow Team.
Kahit pagod, lahat ay nag-enjoy sa nasabing Sportsfest. Ang mga guro ay narecharge ang isip at katawan, at nagkaroon muli ng sigla at lakas para sa kanilang muling pagtuturo.