PAGSULAT NG SANAYSAY ISANG MABISANG URI NG PAGDULOG SA PAGTATAPOS

Sa apat na kasanayang macro ng wika, ang pagsulat ay hindi nabibigyan ng masyadong pansin ng mga mag-aaral.  Marami ang nagsasabi na nahihirapan silang bumuo o sumulat ng isang sanaysay. Maraming mga dahilan kung bakit nangyayari ito, at ito ang mga sumusunod:   Kawalan ng kaalaman sa paksang ipinasusulat ng hindi na maipapaliwanag ng husto ang…


Sa apat na kasanayang macro ng wika, ang pagsulat ay hindi nabibigyan ng masyadong pansin ng mga mag-aaral.  Marami ang nagsasabi na nahihirapan silang bumuo o sumulat ng isang sanaysay.

Maraming mga dahilan kung bakit nangyayari ito, at ito ang mga sumusunod:  

  • Kawalan ng kaalaman sa paksang ipinasusulat ng hindi na maipapaliwanag ng husto ang paksa.
  • Kakulangan ng tumpak na talasalitaan o bokabularyo  na makatutulong upang mapaganda ang sanaysay na isusulat.
  • Marahil ang mga mag-aaral ay likas na walang hilig sa pagssusulat. Kaya hirap siya sa pagbalangkas at pagbuo nito

Sa panig ng guro, may magagawa siya upang malinang pa ang mga kakulangan ng mga mag-aaral sa kaalaman sa pagsusulat ng sanaysay.  Halimbawa, ay ang mga sumusunod:

  •  Paggamit ng Graphic Organizers, Essay Pyramid,  Contrasting Map, Web Chart, at iba pang uri ng pagdulog upang lalo pang maunawaan ang pagsulat ng sanaysay.

                 Katulad ng ibang mga kasanayan sa wika, ang pagsulat ay isang kapaki-pakinabang na kaalaman. Nararapat lamang na ang mga mag-aaral ay matututo ng tamang pag-sulat ng sanaysay.

By: JACQUELINE R.DELA ROSA | Teacher I | Samal National High School | Samal, Bataan