PAGSUSULAT: MABISANG PARAAN UPANG MAUNAWAAN ANG TEKSTO

Sa pag-aaral ng wika, ay may apat na kasanayang macro ang matutuhan: ang Pagbasa, ang Pagsasalita, ang Pagsusulat at ang Pakikinig.  Sa apat na kasanayang ito, ang pagsulat ang sinasabi ng mga mag-aaral na nahihirapan sila na matutuhan.  Ito ay mapatutunayan ng mga sumusunod na katanungan:  Gaano ako kadalas magsagawa ng aralin sa pagsulat? Papaano…


Sa pag-aaral ng wika, ay may apat na kasanayang macro ang matutuhan: ang Pagbasa,

ang Pagsasalita, ang Pagsusulat at ang Pakikinig.  Sa apat na kasanayang ito, ang pagsulat ang sinasabi ng mga mag-aaral na nahihirapan sila na matutuhan.  Ito ay mapatutunayan ng mga sumusunod na katanungan:  Gaano ako kadalas magsagawa ng aralin sa pagsulat? Papaano naman sumusulat ang mga bata?  Anong paksa ang mga pinasusulat ko?  May mga pinagagawa bang mga gawain bago sila aktuwal na magsulat?  Ano-ano naman ang mga ito?Ano ang layunin ng kanilang pagsulat nito?  Anong pamamaraan, dulog, o teknik ang pinagagamit ko  Saan kinukuha ang mga paksang sinusulat?  Ano ang kalimitang reaksyon ng mag-aaral?  Ano-ano naman ang nakitang suliranin at nalaman mo sa pagtuturo ng pagsulat?

            Madalas na maririnig mo ang mga guro ng wika na nagsasabi na mas madali ang magturo ng pagsasalita o pagbasa kaysa magturo ng pagsusulat sa wika.

            Isang paraan upang mapadali ang pakikipagtalastasan ugnayan ay sa pamamagitan ng pagsulat.  Ngunit sa kasalukuyan ay may mga  hadlang upang maisagawa ito.  Halimbawa, ang pagsusulat ng mensahe sa pamamagitan ng cell phone.  Alam natin na halos mga simbolo at pinaikling tekato ang ginagamit sa cell phone, kaya di na nabibigyang pansin ang tamang baybay ng mga salita.

            Subalit kahit sa cell phone at sa papel ka magsulat ng iyong mensahe ay mahalagang malaman mo ang iyong layunin o kung sino ang makakabasa nito.  Ang pagsusulat ay sinusuri o inaalam din kung sino ang babasa nito.

             Maaaring ituro ng isang guro ng wika ang pagsulat ng isang narrativ o ilarawan ang isang bagay, tao, pook o pangyayari na para bang nararamdaman ng bumabasa ang kanyang isinulat.

            Maari ding ituro kung papaano isulat ang paghingi ng payo o paga-anounce ng isang bagay  o pangyayari, magreklamo magbigay ng mga panukala , sumulat ng mga report o ulat at ang pag-aaplay sa trabaho.

            Kailangan din na maging malinaw ang layunin ng iyong pagsulat, at ang pagbuo, at ang pagpili ng mga gagamiting salita .  Kung ang isusulat mo ay diary, dyornal ng mga personal na karanasan , ay maaaring gumamit ng impormal na mga salita na binubuo ng mga pinaikling mga salita, mga simbolo o di tapos na pangungusap .  Ngunit sa pagsulat ng liham upang mag-apply ng trabaho ay kailangang pormal na mga salita ang gagamitin.

            Sa pagsulat ng isang proseso, ay dapat sundin ang mga sumusunod :  pagganyak ng guro sa mga mag-aaral upang sumulat , pagsama sama ng mga ideya, pagpaplano at pagbabalangkas, paggawa o pagsulat ng mga naisip na isusulat , paggawa ng mga unang pagsulat, pagwawasto at ang panghuli ay pagpapublish.

            Di naman dapat sundin ito ng mahigpit sa bawat bahagi.  Ang isang magaling na manunulat ay maaaring balik-balikan ang mga naisulat na maaaring dagdagan o bawasan ang mga naitala na.

 

Sanggunian:  CONSTEL Writing Segment. Vol IV.People’s Television Network, Inc. Emiluz                             Printing Industries Quezon City (1999)

 

 

By: Jackielou B. Guinto | Teacher III | SAMAL NATIONAL HIGH SCHOOL | Samal, Bataan