
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi; Kapag ba sinabing mong mahal mo ang Pilipinas dapat ba natin itong patunayan bilang Pilipino?
Kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal. Sa paanong paraan ba tayo kinupkop ng ating bansa? Ano –anong patunay an gating pwedeng ipahayag na tayo ay mahal ng ating bansa?
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang . Sa paanong paran ba natin maipapakita ang pagmamahal mo sa Pilipinas at sa ating magulang?
Susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
Tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at (nagdarasal) nananalangin
nang buong katapatan. . Sa paano mo maipapakita na ikaw ay sumunod sa iyong tungkulin sa sinumpaan mong bukasyon? Paano mo ipapakita na ikaw ay naging matapat o buong katapatan na naglinggkod sa ating bansa ?
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas. . Sa paanong paraan mo maipapakita na inalay moa ng iyong buhay sa bansang sinasabi mong pinanumpaan mo?
Atin pong isa –isahin ang bawat tanong na nagpapahiwatig na dapat kapag tayo ay nanumpa ay bukal sa loob mo , walang nagtulak o nagsabi na dito ka lang o para kang robot na di makapagpasya sa iyong gagawin bilang tao.
- Kapag ba sinabing mong mahal mo ang Pilipinas dapat ba natin itong patunayan bilang Pilipino? YES dapat dahil ikaw ay nanumpa sa iyong baying sinilangan at higit sa lahat sa iyong sarili. Kaya nga mahalaga ang bawat kataga na lumalabas sa iyong bibig.
- Sa paanong paraan ba tayo kinupkop ng ating bansa? Ano –anong patunay ang ating pwedeng ipahayag na tayo ay mahal ng ating bansa?
Una ; mapapatunayan natin na tayo ay mahal ng ating bansa , dahil tayo ay iniingatan niya sa pamamagitan ng may mga namumuno at mayroon tayo ng sinasagisag na kung saan ay nagrerepresent bilang tayo ay Pilipino.
Ikalawa ; ang bansang Pilipinas ay mayaman sa mga likas yaman na ating dinatnan nung tayo ay isinilang
Pangatlo: Mayroon tayong mga bagay na wala sa ibang bansa , katulad na lamang na tayo ay mayaman sa mga pampalasa na kung saan ay naging dahilan kung bakit nadiskobre ang Pilipinas
Ikaapat; May mga Ahensya tayo ng Gobyerno na nagtuturo sa atin na maging masipag, at maging marangal, tulad ng ahensya ng Edukasyon at marami pang iba.
Sa katulad ng ahensya ng Edukasyon hinuhubog tayo na maging masipag , marangal , may tiwala sa sarili, maging maalam sa mga bagay bagay.
Noong tayo ay nanumpa sa ating propesyon , ako bilang guro ay sinumpaan kong maging isang mabuting guro, dahil ang pagiging mabuting guro ay lahat makikita mo sa kanyang pamamaraan ng pamumuhay, pakikipag-kapwa tao, pagtupad sa tungkulin na inatasa sa kanya, pagiging isang maliit nay unit ng pamayanan na katulad ng pamilya na aking pahahalagahan at huhubog ng mga anak na may mabuting puso at pananampalataya sa ating Poong LUmikha.
Sa pagbatao sa iyo ng panibagong utos ng nasa taas , kasama ba ito sa iyong sinumpaan lalo at ito ay m,akakabuti sa mga kapwa mo kaguruan at sa mga magiging guro sa hinaharap.ang pag-ikot lang bas a loob ng paaralan ang dapat mong gampanan , sa pat na sulok lang ba ng silid –aralan?
Kung iyan ang iyong kasagutan na oo dapat sa apat na sulok lang ng silid-aralan , sa aking pananaw ay dapat hindi ka naging guro , bakit paano mo maibabahagi ang iyong kaalaman sa iba at paano ka huhubog ng panibagong tao na dapat kung saan ka ibato dapat sumunod ka muna bago ka magreklamo. Sabi nga sa mga kasabihan ng sundalo ,,,,,,’’Obey First before you complain’’ sa akin inuuna ko ang obey firsty before I complain , bakit kase alam ko kaya ako ipinadala dun dahil alam nila kaya ko, alam nila ang makakabuti sa makakasama, pede ka naman na magreklamo o hindi sumunod ,,, bakit hindi? Pero tandaan mo kasama sa sinumpaan nating mga guro na ibahagi ang mayroon ka at kung makakabuti naman ang pupuntahan mo dahil sa kapakanan ng lahat sumige ka,,,,,,,,,, marami sa ating mga Tao na hindi alam ang pangko ng panunumpa, akala nila kapag involve na sila sa hirap , ikaw na ipinadala sarap ang pup[untahan mo dun…. Hay maling maling kaasalan,,,,
- Sa paanong paraan ba natin maipapakita ang pagmamahal mo sa Pilipinas at sa ating magulang ? Ako bilang tao at anak ng magulang ko , hindi ko agad naibigay ang respeto sa kanila ,,,inaamin ko ako ay nagkulang hindi nakinig sa mga payo nila , nag-aasawa ng maaga , iniwan sila, naunawaan ko mga sakripisyo nila ng ako ay naging magulang na, dun ko nakita ang mga hirap at pasakit mabuhay lang kaming mga anak nila… kaya ngayon sabi ko babawi ako sa kanila ,, ngayon na di pa huli ang lahat , lahat ng tagumpay koi to ay aking iniaalay saa aking mga magulang.
Sa pamamagitan ng aking pagtugon na ako ay mag-aanak na hindi magiging sakit ng lipunan upang ang bansang pilipinas ay mabawasan ang mga taong umaasa at nakaasa sa ating bansa. Sa akin naman ginagampanan ko ang pagiging magulang sa aking mga anak, magulang ng mga mag-aaral sa paaralan at mabuting kasamahan sa trabaho.
Sa pamamagitan nun aking naipapakita ang pagmamahal ko sa bansang Pilipinas!
- .Sa paano mo maipapakita na ikaw ay sumunod sa iyong tungkulin sa sinumpaan mong bukasyon? Paano mo ipapakita na ikaw ay naging matapat o buong katapatan na naglinggkod sa ating bansa ?
Naipakita ko ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nakakataas , inaalay ko ang aking buhay , pangarap at pagmamahal sa mga taong aking nakakasama at natuturuan na mag-aaral. Sa aking tungkulin na sinumpaan masasabi kong masarap na mahirap masarap kase marami kang makikilala, makakasama, at magiging katunggali sa trabaho dahil hindi mo ito maiiiwasan dahil sabi mga magkakaiba ang pananaw ng tao.sa aking kalagayan masasabi kong ako ay nahihirapan sa aking katunggali ito ay ang aking sarili bakit ? nais kong sumunod ng walang alinlangan s autos ngunit may mga nakapaligid na nagsasabing umayaw ka para maipakita mong mahal mo mhga mag-aaral mo! Ha! Ganun bay un makikita ? basta ako masaya ako sa kung saan ako itapon dahil dun napapalago ko ang pagiging isang mabuting tao na bilang ako!
- . Sa paanong paraan mo maipapakita na inalay mo ang iyong buhay sa bansang sinasabi mong pinanumpaan mo?
Yung lang ikaw ay sumunod ng walang alinlangan ay pagtugon na sa hamon ng iyong sinumpaan na kahit may bagyo o kalamidad ay tutugon ka pa din sa trabahong inaatas sa iyo gaya ng pagtuturo ng kabutihang asal.
Panahon ng pandemic masasabi kong walang pag-aalinlangan kong inalay ang aking buhay sa aking tungkulin basta , anA+g hiling ko lang ay ingatan ni Lord ang aking mga mahal sa buhay!