Sa libro iyong makikita magagandang salita dito ay nakalista paglipat ng pahina utak mo ay may laman na mula sa mga impormasyon na iyong mababasa.
It nga aking bibigyang kahulagan ang salitang PAHINA na sa libro mo lang matatagpuan at makikta.
P-agkatuto sa libro iyong matatamo kaya’t kaalaman mo ay lalawak at mapupuno.
A-klat na siyang binubuo ng mga kwentong
H-andog na sa iyo ay magbibigay aral ng at
I-inspirasyon para sa araw-araw ay iyong maipamuhay.
N-obela na ang laman ay aral sa buhay para pagmamahal ay iyong matutunan at problema ay iyong malabanan.
A-ting tandaan Pahina ay bigyang halaga para kaalaman ay tumimo sa ating puso at isipan ng sa gayon buhay ay maging masaya.
Tandaan sa bawat pahina ng libro na iyong mababasa handog nitong kaalaman ay palawakin mo pa ng balang araw ikaw ay maging dalubhasa.
By: KAREN I. ZARAGOZA/ TEACHER I /BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL|BALANGA CITY, BATAAN