Sa kasalukuyan, kung ikaw ay isang ina na nagsilang ng iyong anak sa isang hospital , isang proseso ang iksaminin muna ang pandinig ng bagong silang na sanggol bago sila makauwi upang tiyakin kung walang problema sa pandinig ang bagong silang na sanggol.
Napakahalaga ng pakikinig sa buhay ng sinuman. Sa pamamagitan nito ay ay natutuklasang makabuluhan ang bawat tunog o salitang nartrtnig, lalo’t ito ay patuloy na nagiging nbahagi ng araaw-araw na gawain. Maraming pag-aaral ang nagpapatunay na gumugugol ng 70% sa pang-araw-araw na gawaing pangkomunikasyon ang mga nasa tamang gulang; 10% sa pagsusulat, 15% sa pagbabasa, 30% sa pagsasalita, at 455 sa pakikinig. Ang walang humpay na paggamit ng cellphone, radio, telebisyon, atbp ay mahalaga.
Ang pakikinig ay isang kasanayang nangangailangan ng pag-unawa, pagbibigay kahulugan, pagtataya, at pagsasagawa ng anumang narinig. Dahil dito, mahalagang matandaan ang mga sumusunod na mga layunin ng pakikinig:
- Makakuha at makapagpalitan ng impormasyon
- Matamo ang pagkaunawa
- Mapasaya ang sarili
- Makibahagi sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunan.
Ayon kay Villafuerte (2005), ang pakikinig ay puhunan para sa mabilis at mahusay na pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapuwa. Nanaisin ng isang doctor na mapakinggan muna ang karainga ng kanyang pasyente para siya magtakda ng ng gamit para ditto. Ganoon din saibang larangan na mahalagang mapakinggan muna ang kausap bago siya magbigay ng komento o desisyon
Sanggunian:
Villafuerte, P. RAP Journal .ANG Efektibong Pakikinig : Mabisang Paraan ng Pagkatuto ng Wika,(2005)
By: JACQUELINE R.DELA ROSA | Teacher I | Samal National High School | Samal, Bataan