PAKIKIPAGTALASTASAN: MAHALAGANG KASANAYAN PARA SA LAHAT

  Naranasan mo na ba bilang isang guro na tila walang gusting makipag-usap sa iyo sa mga kasamahan mo? Kung minsan, ay nangyayari nga ito sa iba’t-ibang kadahilanan.  Anu’t-anuman ang dahilan sa likod nito ay dapat malaman ng isang tauhan ng isang organisasyon ang kahalagahan ng pakikisalamuha ,pakikipagugnayan o pakikipagtalastasan.                 Ang pakikipagtalastasan ay isang…


 

Naranasan mo na ba bilang isang guro na tila walang gusting makipag-usap sa iyo sa mga kasamahan mo? Kung minsan, ay nangyayari nga ito sa iba’t-ibang kadahilanan.  Anu’t-anuman ang dahilan sa likod nito ay dapat malaman ng isang tauhan ng isang organisasyon ang kahalagahan ng pakikisalamuha ,pakikipagugnayan o pakikipagtalastasan.

                Ang pakikipagtalastasan ay isang kasanayan na dapat taglayin ng pinuno o tauhan man sa isang kompanasanayan na dapat taglayin ng pinuno o tauhan man sa ian ng isang organisasyon ang kahalagahan ng pakikisalamuha , patanggapan, malaki o maliit man naorganisasyon.  Ang sabi ni Fajardo (2005) ang pakikipagtalastasan ay paraan kung saan ang isang tao ay nakikipagusap, nakikipagugnayan sa mga kasamahan.  Ito ay isang kakayahan na mag trabaho  at makipagugnayan sa mga kasamahan.

                 Kung ang isang pinuno sa isang paaralan ay may kakayahan para sa isang mabuting pakikipagtalastasan, siya ay magiging mahusay na pinuno, sapagkat nakapagbibigay siya ng mabuting panghihikayat sa mga tauhan.  Nagsisilbi siyang isang inspirasyon at ang mga tauhan naman ay nakikipag-isa para sa katuparan ng layunin ng paaralan.

                Napakahalaga ng kasanayan sa pakikipag-talastasan sa isang tanggapan, ang sabi nga ni John Doe, isang manunulat na Ingles, No Man Is An Island.  Ibig sabihin, walang nilalang na maaaring mabuhay ng matagal na nag-iisa.  Bawa’t isa ay kailangan ang kasama. Kailangan natin ang isa’t-isa.

                Iba’t-ibang magagandang bagay ang maaaring matamo sa buhay.  Ngunit papaano natin haharapin ito? Karamihan sa atin ay abala sa pagpapayaman, sa pagtatamasa ng kapangyarihan, at kasikatan.  Natutuon ang pansin ng iba sa mga material na bagay. Oo nga’t mahalaga ang kayamanan, dahil pinagagaan nito ang buhay, ngunit sakabilang banda, ay wala ka naming kapwatao, kulang ka sa pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa kapwatao.  Dapat din tayong mag-ukol ng panahon sa ating kapwa, sapagkat ang kayaman ang materyal ay pansamantala lamang.  Dapat nating pag-ukulan ng panahon ang mga katangian at kasanayan na makapagdaragdag ng buhay at kasiglahan sa mga taon pang darating.

                Anu-ano naming mga bagay ang maaari pang magbigay kasiglahan sa ating buhay? Ito naman ang mga pagpapahalaga na humubog ng ating pagkatao, na sa katagalan ay unti- unting nagdudulot ng pagbabago sa ating buhay.  Ang kasanayan sa pagdadala ng mabuting pakikipagusap  ay isang katangian na nakapagbibigay ng mabubuting  kasama.  Halimbawa, ang iyong kausap ay may kakayahang magbigay ng iba’t-ibang kaalaman, marami kang matututuhan mula sa kanya  at maisasalin mo naman sa pakikipagtalastasan mo sa ibang mga kasama.

                Nguni’t isang mahalagang paala-ala, sa iyong pakikipag-usap, pakikipag-ugnayan o pakikipag-talastasan sa iba,  huwag na huwag kang maninira ng iyong kapwa.  

                Pakinggan natin ang sinasabi ng Lucas 6:45, “Mula sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kanyang bibig.”

Sanggunian:

                G. Marx. Future-Focused Leadership.Types ofCommunication Printed in USA. (2006)

 

By: Jhonalyn P. Onsan | Teacher I | Bataan National High School | City of Balanga, Bataan