“Madaling maging tao, mahirap magpakatao”.
Paano nga ba maging mabuting tao? Nangangailangan ba ito ng tamang instraktura ng pagbaybay ng asignatura.Marami sa mga tao ang hirap makipagkapwa tao sa kanyang kapwa tao.
Ito ay isang katutuhanan na masakit isipin na kung sino pa ang mga maituturing na mga propesyunal yun pa ang matataas ang mga eri sa katawan. Marami rin sa kanila ang nakataas lang ng posesyon ,ang hirap na nilang abutin, ramdam mo kung paano sila gumalaw at iparamdam ang mga bagay na kahit sa simpleng tingin ay makikita mo ang pang-uuri sa kapwa.
Diba dapat mas maging malawak ang kanilang pananaw sa buhay dahil mas sila ang nakapag-aral ng mataas na antas ng tagumpay sa buhay. Yung simpleng mag-aaral / guro , makikita mo may guro na ayaw ibaba ang kanyang ego sa mga mag-aaral . Kaya marami ang mag-aaral na hirap sa mga asignatura na dapat ay ang guro ang magiging sandigan nila sa paaralan na kanilang kinabibilangan . Mapalad ang mga kabataan na may mga gumagabay sa kanilang magulang na handang umunawa sa mga bagay na kailangan nila. Dapat guro ang tatayung pangalawang magulang sa paaralan dahil ito ang sinumpaan nilang propesyon sa buhay. Ikaw na guro dapat may malawak kang pang-unawa at may Puso kang mapagmahal sa mga kabataan sa ngayon. Ang pagmamahal sa kapwa ang una mong ituturo sa kanila, mga kaasalang mahirap ng iinput sa mga bata sa kasalukuyang panahon. Hindi naman sinabing makipagtagayan ka o makijaming ka sa kabataan ngayon upang maipakita mo ang pakikisalamuha, ‘Yung simpleng tapik sa balikat at tanungin ang isang kabataan kung ano ang lagay niya ay malaking bagay sa isang kabataan sa ngayon” mahirap bayun sa parte nating mga guro , malay mo kaya pala ang iyong mag-aaral ay tahimik , dahil pala sa hindi pa siya kumakain, o kaya man nag-away ang kanilang mga magulang , napakaraming paraan upang maibigay natin ang ating pagmamahal sa ating mga mag-aaral sabi nga “ Madaling maging tao ,Mahirap magpakatao ‘’.
Sariling Pananaw ni:
EDIESA P. MENDOZA Teacher II @ 2019 Bataan National high School
By: Ediesa P. Mendoza | Teacher II Bataan National High School | Balanga, Bataan