Pamahayagang Pampaaralan: Nararapat na Suportahan

Pluma at papel …nakakaarok ng isipan…tumatagos sa damdamin…sandata ng katarungan.               Tayo ay nasa yugto ng ating sangay na ang hamon sa pamahayagan ay napakataas.  Ang taon-taong paggkakaroon ng panayam sa mga batikang manunulat ay laging nagaganap. Ang mga guro sa ating sangay ay patuloy sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Mga mag-aaral ay laging…


Pluma at papel …nakakaarok ng isipan…tumatagos sa damdamin…sandata ng katarungan.

 

            Tayo ay nasa yugto ng ating sangay na ang hamon sa pamahayagan ay napakataas.  Ang taon-taong paggkakaroon ng panayam sa mga batikang manunulat ay laging nagaganap. Ang mga guro sa ating sangay ay patuloy sa pagtuklas ng bagong kaalaman. Mga mag-aaral ay laging lumalahok sa pang distrito maging pang dibisyong pagsasanay, nananalanging makapag-uwi ng di matatawarang medalya at tropeo ng pagkilala.

            Nakakahamon nga naman ang pagharap sa bawat paligsahan na ito sa bahagi ng mga “School Paper Advisers at mga Student Journalists”. Bago humarap sa laban ay kayraming pagdadaanan. Nariyan na ang  napakaraming dapat pag-aralan…mga Isports Lingo, mga metapora at anekdota na sa lathalain matatagpuan, kaalaman sa mga current events ‘di dapat makalimutan pagdating sa pagsulat ng Editoryal, hanggang sa mga simbolo na ipapalit upang itama ang mali, at ang pagkuha ng larawan na bumubuo ng malalim ng kaisipan.

Subalit sa kabila ng lahat ng ito, ano nga ba ang magagawa para sa atin ng paligsahang ito? Hanggang sa apat na sulok lang ba ng kwarto natatapos ang lahat?  Kung pakalilimiing mabuti, ang kaalamang ito ang magbubukas sa kaisipan at kamalayan ng ating mag-aaral…mga kabataan ng bagong henerasyon na may paninindigan at may kalayaang isulat ang tama, nagsusulong ng kapayapaan, at tumutulong sa kapwa kung nasa panahon ng kagipitan.

Upang maisakatuparan ang lahat ng ito, ang pagsuporta sa mga mag-aaral na ito ay inaasahan.  Ang karampatang budget sa ensayo pa lamang at  pagpapalimbag ng pamahayagang pampaaralan ay kailangang-kailangan. Sa tulong ng mga kawani ng paaralan, at mga magulang, panalo ay tiyak na makakamtan.

By: Rowena A. Delfin | Teacher III | Mariveles National High School – Poblacion | Mariveles, Bataan