PANALO SA COVID 19

Kung ating lilimiin, kung ating iisipin Itong covid 19 ay isang sumpa sa atin Pero teka, pagnilay nilayin natin. Tila meron itong mabuting dulot sa atin. Di mo ba napapansin, itong hangin natin? Aba’y napakapresko, tuwing ating lalanghapin. Mga pabrikang bumubuga ng usok na itim Biglang nagsara, dahil sa covid 19. Trapik sa kalsada, ay…


Kung ating lilimiin, kung ating iisipin

Itong covid 19 ay isang sumpa sa atin

Pero teka, pagnilay nilayin natin.

Tila meron itong mabuting dulot sa atin.

Di mo ba napapansin, itong hangin natin?

Aba’y napakapresko, tuwing ating lalanghapin.

Mga pabrikang bumubuga ng usok na itim

Biglang nagsara, dahil sa covid 19.

Trapik sa kalsada, ay biglang natigil

Mga sasakyan ay kusang nahimpil

Kaya nabawasan itong polusyon sa hangin

Sariwa na itong hanging nilalanghap natin.

Ang karagatan ay naging kulay asul na rin

Wala nang makikitang kalat sa buhangin

Mukhang masarap na itong sisirin

Pag-alis nitong covid 19 sa atin.

Mga magkakapitbahay ay nagmamahalan

At nabuhay muli itong bayanihan

Pawang mamamayan ay nagdadamayan

Nagbibigayan sa bawat nangangailangan.

Ang buong pamilya ay nagkasama sama

Nagkakatuwaan sa tuwi tuwina

Umigting ang pagmamahal sa bawat isa

Samahan at ugnayan ay lalong lumalim pa

Higit sa lahat, mga tao’y naging madasalin

Ang bawat isa’y nagdadasal ng taimtim.

Humihingi ng awa sa AMANG  poon natin.

Nawa’y matapos na, ‘tong pagsubok sa atin.

By: Vilma S. Pelayo | Teacher III | Olongapo National High School | Olongapo City