Magpunla ka ng binhi sa umaga at magtanim na rin sa gabi walang nakaaalam sa atin kung kalian magiging matagumpay ang pagnanais mong ito (Ecclesiastes 11:6)
Ang tunay na realidad ng buhay ay nagsisimula sa pagsisikap nating mapatatag an gating wagas na pananampalataya sa Diyos.
Kung minsan ang katagang ito ay sinusubok din ng pagkakataon, minsan ang mga magsasaka ay naniniwalang aani ng sagana mula sa kanilang mga pananim ngunit wala taong magagawa kung susubukin tayo ng panahon at dalawin ito ng peste at sirain ng bagyo.
Paano kung ang matatag mong negosyo ay bumagsak at tuluyang magsara sa kabila ng pag-asa ng marami dito?
Paano kung ang inaasahang panlunas sa isang karamdam an ay magiging dahilan pala ng lalong karamdaman ng mas nakakarami.
Ito ay nagdudulot ng maaraming kaguluhan at katarungan na kadalasan ay sumisira sa matindi nating panananalig Diyos.
Kung minsan madali tayong magpayo at magsabing “ayos lang ‘yan, may awa ang Diyos,” ngunit kung tayo pala ay uupo sa kanilang kalagayan ang salitang ito ay napakahirap unawain at tanggapin.
Minsan may pangyayaring lubhang nakapagdudulot ng bagabag sa ating mga puso dahil puno tayo ng pagnanais na mapagtagumpayan ang bagay na ito. Nakakalimutan nating huminto upang itawag ito sa Diyos na mangyari ayon sa kanyang kagustuhan. Hindi natin siya binibigyan ng dahilan kung bakit nangyayari ang mga bagaay sa ating buhay, basta ang alam lamang naatin patuloy siyang tanungin at sisihin sa mga nangyayaring ito.
Ang ating Panginoong Diyos ay nauunawaan ang ating limitasyon, ang ating talino at kakayahan. Alam niya kung hanggan saan ba ang hirap na kaya nating kayanin. Alam niya kung gaanong biyaya at lakas ang aabutin ng ating pisikal na kakayahan, kadalasan nga ang akalaa doon lamaang ngunit ang Diyos ay lumalagpas pa mula sa ating inaasahan.
Minsan nasubok ko na rin ang pangyayayring ito na bumuo ako ng isang research, ang unang hamon sa aking kakayanan ay “kaya ko ba ito?” Pangalawa paano koi to gagawin? Pangatlo mapagtatagumpayan ko ba ito?
Ngunti lahat ng tanong na ito ay nasagot at natapos sa tulong ng awa ng Diyos. Biniyayaan ka niya ng sapat na talino upang magawa ito, kung hindi mo man makaya, magpapadala siya ng mga taong tutulong sa iyo na magiging “anghel” na gagabay sa iyo upang matapos mo ang gawaing ito. Napagtagumpayan ko ba? Oo kasi ito ang kaniyang kaloob. Lubos ang kanyang paniniwala sa magandang layunin ng gawaing ito.
Kadalasan kasi, inuuna natin ang personal na pagnanais mahigitan ang iba na nagbubunga ng “kayabangan” kung kaya’t ang tunay na kaloob ng Diyos ay hindi natin nakikita.
Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tapat na kaloobang nagnanais makatulong sa iba, mapagtagumpayan ito batay sa tamang daan at maibahagi ito sa iba dahil ito ang nararapat.
Ang bawat isa sa atin ay pinagkakalooban ng Diyos ng talino, kasanayan sa pagagawa at mabuting kalooban. Kapag ang mga katangiang ito ay ating pinagsama-sama tunay na nag kalooban ng Diyos ang mangingibabaw.
Kaya nga patuloy tayong maghasik dahil sa pagawa nito patuloy na dadami ang binhi, lahat ay mananagana sa biyayang dulot nito.
By: Soren Loviza O. Espiritu | Teacher I | BNHS | Balanga, Bataan