PANDEMIYA, NAGING BALAKID KA.

Ang pandemyang Covid- 19 ay nagdulot ng napakalaking epekto sa sistema ng edukasyon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa buong mundo at isa na rito ang tinatawag na learning gaps sa mga mag-aaral, na kung saan ang mga mag- aaral ay tinatayang nahuhuli o hindi na akma ang kanilang kaalaman sa baitang na kasalukuyan nilang…


Ang pandemyang Covid- 19 ay nagdulot ng napakalaking epekto sa sistema ng edukasyon hindi lamang sa Pilipinas, maging sa buong mundo at isa na rito ang tinatawag na learning gaps sa mga mag-aaral, na kung saan ang mga mag- aaral ay tinatayang nahuhuli o hindi na akma ang kanilang kaalaman sa baitang na kasalukuyan nilang kinalalagyan. Ang pagbabago ng sistema mula sa araw- araw na pagpasok sa paaralan ay biglang naging online o virtual, at sa ibang bahagi pa ay modular lamang. Maraming pagsubok ang kinaharap ng mga mag- aaral sa pagbabagong ito na nagbunga sa kawalan ng interaksyon sa kanilang mga kamag- aral at guro. Ang pagkawala ng pisikal na pagkatuto at gabay mula sa paaralan at guro ay nakadagdag sa paglaki ng learning gap ng mga mag- aaral.

Dagdag pa rito ang digital divide o ang pagkahati ng mga taong may kakayahan at wala sa paggamit ng teknolohiya ang nakapagpalala sa learning gaps ng mga mag-aaral. Hindi lahat ng mga mag-aaral ay may pribilehiyong makagamit ng koneksyon sa internet para sa pagpapatuloy ng kanilang pag- aaral. Ang hindi pagkakapantay- pantay na ito ang naging balakid sa pagkatuto ng ilang mag- aaral na walang kakayanang makalahok sa online na pag- aaral at mga online na kagamitan. Bilang resulta, ang mga mag- aaral na ito ay napag- iwanan at lumawig pa ang kanilang learning gaps.

Bukod pa riyan, ang pagkawala ng interaksyon s akapwa mag- aara at mga extracurricular na gawain ay nagkapagdulot rin ng hindi magandang epekto sa kabuuang pag-unlad ng isang mag- aaral. Ang pandemyang ito ay nagbigay ng limitasyon para sa pakikilahok, pakikiisa at pakikihalubilo sa mga gawaing pampaaralan na siyang isang nagpapatibay sa pundasyon ng pagkatuto ng isang mag- aaral. Maging ang kakulangan sa gabay mula sa mga guro ay nakaapekto sa mental na kalusugan at sa pag-unlad sa pag- aaral.

Kaya’t upang mabawasan ang tinatawag na learning gaps ay kinakilangan magkaroon ng sapat at akmang interbensyon kagaya ng mga remedial na klase at iba pang gawaing muling makapagpapabalik ng mga anwala sa mag- aaral kagaya ng mga pangkatang gawain, extracurricular na gawain at marami pang iba. Kailangan lamang ng ibayong pagtitiyaga at pagtutulungan upang mabawasan ang hindi magandang epektong idinulot ng pandemya sa sistema ng edukasyon.

 

 

By: Czarinah Jeanell G. Anulacion/ Bagong Silang Elementary School|Balanga City Bataan/ May 2023