Bawat bansa ay nakaranas ng pandemic,walang nakaligtas mahirap man o mayaman.Ano na nga ba ang naghihintay sa ating bansa ,sa tao at sa kapaligiran.
Hindi akalain ng bawat tao na mararanasan ang pandemyang ito ang Covid 19.Marami ang nawalan ng trabaho, ang ekonomiya ay bumagsak.Lahat ay namangha at namutawi ang agam-agam sa bawat tao sa pandemic na ito.
Kahit ganito ang naranasan sa nakakatakot na virus na ito,marami ding naging aral sa bawat tao ang pandemya.Ang pamilya ay nagkabuklod-buklod,naiwasan ang pasyal dito pasyal doon.Naging limitado ang paglabas at pakikisalamuha kahit sa mga kamag-anak .Ang pagdiriwang ng mga okasyon ay hindi na ganoon kagarbo.Ang mga simbahan ay kasama din sa limitadong pagdiriwang .Ang pag-aaral ay nahinto din at sinara na rin pati paaralan.
Sa pananaw ng iba maaari pala ang wala ng okasyon ,tipid sa gastusin .Ang mga tao natututong maging malinis sa katawan.Nagkaroon ng disiplina dahil sa social distancing kailangan ang face mask at face shield naging mahalagang sandata na ito sa tao dahil sa paglabas ng bahay hindi ito dapat makalimutan.Ang pag-aaral depende sa kung ano ang modality ang pipiliin ng bata.Ang mga magulang ang siyang gagabay pansamantala sa pag-aaral ng kani-kanilang mga anak huwag lamang matigil sa pag-aaral.
Sa kasalukuyan ang naging kalagyan ng bansa ay nakasalalay sa Anti Intergency Task Force (AITF) kung dapat na bang lumabas ,dapat na bang magsagawa ng mga iba’tibang okasyon .Ang ahensiyan ito ag magsasabi o mag-uutos kung dapat na nga ba?
Naghihintay ang bawat bansa lalo na ang Pilipinas sa magandang kalalabasan kung sakali mabakunahan na ang milyon-milyon tao.Ito na marahil ang kasagutan upang muli tayong bumangon sa kung anumang naranasan ng bawat bansa.
By: Donna Dela Cruz