Bulag ang lahat sa giyerang ito;
Ramdam ang pagbagsak ng ekonomiyang itinaguyod;
Simpleng sakit ang nagsilbing korona ng daigdig;
Ang titigil sa takbo ng mamamayan – Ang Covid.
Tigil ang negosyo, tigil rin ang edukasyon;
Tanging sandata sa kalabang taksil kung sumugod;
Ang paghinto ng galaw at kilos ay hindi umepekto ng lubos;
Tumindi pa lalo ang siklab hanggang sa sumunod na taon.
Sa angking talino ng agham at medisina;
Sa tagumpay na eksperimento ng teknolohiya;
Kayang-kaya pala maitawid ang ekonomiya;
Bawat isa’y naging bayani mula sa pinsala.
Kayang-kaya ng bawat isa na nasa bawat tahanan;
Makakapag-aral at nadaragdagan ng kaalaman;
Nakakaisip ng kabuhayan;
Natataguyod ang disiplina at kalinisan.
Alcohol na nagsilbing pamuksa sa karamdaman;
Facemask at Faceshield na panangga sa kasakitan;
Bitaminang-C proteksyong istamina;
At Thermal Scanner para sa mga nagbabalak magkalat.
Pandemyang isinapit, ramdam ang paglisan;
Nang dumating ang pinakamabisang sandata ng lahat;
Bakunang laban sa mababagsik na kalaban;
Corona Virus, Delta at Omikron – Taob ka!!!
By: MR. JASON NERI RABOY | ADMIN AIDE IV |OLONGAPO CITY