Sa eskwela nang una kitang makita,
Isang bagay na hindi ko inakala,
Magiging parte ka pala ng buhay,
At pakamamahalin nang ganito.
Ito ba talaga ang nararamdaman ko?
Hindi maipaliwanag nang husto,
Pero sa puso ko alam kong totoo,
Ika’y minamahal ko nang todo-todo.
Ikaw ang matagal ko nang hinahanap,
Na syang tutupad sa aking pangarap,
Na sana’y magkaroon ng katuparan,
At makamit kita bilang kapalaran.
Ang alam ko hindi man ito sinasadya,
Panahon ang syang nagkusa’t nagtakda,
Isang pagkakataong inilathala,
Na sa atin nawa’y maging pagpapala.
Salamat sa isang biru-biro lamang,
Nang lumao’y naging makatotohanan,
Kapag nawala ka pa man sa buhay ko,
Hindi ko na alam saan ako patungo.
By: Edwin O. Marcos