“Pangarap’’

Pangarap, Kaialna ng aba nangangarap, kailang nga ba nakukuha ang pangarap?Kung ating lilimiin marami ang taong nangangarap, kahit ang mayayaman nangangarap din. Kahit simpleng mamamayan puno ng pangarap. Kailan ba dapat tupdin ang pangarap? May panahon bang pinipili ang isang pangarap?Masasabi kong ako ay piping saksi sa aking pangarap, nangarap ako nun na maging isang…


Pangarap, Kaialna ng aba nangangarap, kailang nga ba nakukuha ang pangarap?
Kung ating lilimiin marami ang taong nangangarap, kahit ang mayayaman nangangarap din. Kahit simpleng mamamayan puno ng pangarap. Kailan ba dapat tupdin ang pangarap? May panahon bang pinipili ang isang pangarap?
Masasabi kong ako ay piping saksi sa aking pangarap, nangarap ako nun na maging isang sikat na manggagamot , ngunit sa kakapusan ng salapi at kahirapan ng buhay , ang pangarap ay nagging pangarap na lang. ngunit hindi doon natapos ang aking pangarap, umiikot ang mundo ko sa pangarap na kahit hind isa paraang medisina ay magiging tanyag din ako. Hito ako ngayon sa mataas na paaralang minsan ay humubog ng aking pagkatao. Bataan National high School- JHS. Dito ko pinanday ang aking kabataang puno ng masasayang araw. Dito ko naihulma kung sino ako ngayon sa hinaharap . hindi ako perpektong tao alam ko iyon . ang mga grado ko ay masasabing poor dahil 76-77-75 at 78. Yan ang aking mark ana lubhang makakaalarma dahil pasang awa.Oo pasang awa ay bakit nga ba? Huwag na nating ungkatin kase nga sabi kapag highschool life puno ng saya , puno ng kalokuhan, puno ng adventures . wala sa isip ko na ako ay magiging taga panday rin sa mga kabataan na kagaya ko . Ngayon ay isa na aking Guro sa Mataas na Paaralan ng Bataan National High School-JHS. Na kung sasalaminin ko ang aking sarili ay kopyang kopya nila ito , ngunit sabi ko nga ako ang original ako ang nauna. Nakakatuwa dahil ganun pala iyon nauulit lang kung ano nuon at ano ang ngayon. Marami ring kabataan ang nagpapabaya sa kanilang pag-aaral. Lagi kong sinasabi ang grado ay hindi basehan sa kung ano ka ngayon. Sa aking mga karanasan yung laging may award noon , bat sabi ko ngayon ano ang nangyari sa kanila?
Bat ako ngayon palakol ang average ay taga panday ngayon ng karunungan. Taga daloy ng kaalaman na minsan ay di sumagi sa akin na magaganap sa akin ito.
Ngunit sabi nga , ‘nateyempuhan mo lang”Kaya ang payo ko sa mga mag-aaral ko ituloy ang pangarap kahit na anong balakid ang nakaharang . itawid ang sarili sa kung ano ang makakabuti sa atin.tuloy ang pangarap habang may buhay, may hininga . yun ang aking patuloy na habilin sa aking mga mag-aaral at sa aking mga supling. Kung nadapa sa umpisa matutong tumayo at tugpain ang landas na magtuturo s aiyo ng kabutihan dahil minsan na ikaw ay nadapa , dapata ikaw ay natuto na , iyon ang lagi kong pangaral . na minsan ko ding nadinig sa aking mga magulang. Hindi mo mauunawaan ang mga payo nila hanggang wala ka pa sa kanilang posisyon . Kta masasabi kong Hnggang Ngayon ay pangarap ko padin ang magulang ko ngayon ay siya paring magulang ko sa aking panibagong buhay. Hindi man sila edukado o mataas na tao sila ay aking pangarap na kay sarap balikan!

By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS