Kung ikaw ay isang baguhang guro, nangangarap ka ba na tumaas ang puwesto balang araw? “Siyempre naman, sino ba ang ayaw?” Maaaring ito ang iyong mariin na sagot. At sa lalong malinaw at espisipik na tanong.” Nais mo bang maging isang “school principal?” “Magaling “walang masama”, “Kapuri-puri “.Maaaring ito ang maririnig mong kasagutan sa mga makakausap mo. Ngunit isang malaking “Teka Muna”. Itanong mo muna sa iyong sarili ang mga katanungang handa na ba ako?”Anu-ano naman kaya ang mga kailangang paghandaan.
Kung ay mapagmasid sa mga ginagawa ng iyong kasalukuyang punong-guro ay iyong malalalaman ang mga sumusunod, at siyang mga dahilan kaya siya nagging magaling sa pamumuno. Unang-una siya ay may mga taglay na kaalaman sa mga bagay-bagay sa paligid, alam niya ang mga mahahalagang pangyayari sa loob at labas ng bansa. May kawili-wiling personalidad (Kahit di siya maganda o guwapo ay may maayos naming personalidad; siyempre iba ang kagandahan iba naman ang personalidad, bagama’t lalong magaling kung parehong taglay itong isang punong-guro sapagkat mahalaga ang pakiramdam ng mga taong sa makikiharap sa kanya. Dapat kasi marunong siyang makiharap at makitungo sa mga taong nakakasalamuha niya. Mga tao ang mahalagang sangkap sa isang organisasyon. Kung ang pinuno ng paaralan at ang mga guro, mag-aaral ay nagkakasundo, Dulo nito ay magandang paaralan at mataas na level ng achievement.
Isa pang bagay na dapat pag-ukulan ng pansin ay dapat manguna ang punong-guro sa mga balak o plano para sa mga guro, bata at ng paaralan sa kabuuan. Nangunguna din ang punong-guro sa paglinang ng kaalaman ng mga gurosa pamamagitan ng mga seminar at mga trainings o pagsasanay sa kanilang mga asignaturang itinuturo ganoon din sa iba pang mga bagay na may kaalaman sa pagpapataas ng antas sakanilang pagtuturo.
Dapat ding magpakita siya ng gilas sa pangunguna (leading) sa pakikitungo at pakikipag-ugnayan sa kapwa (relationships and communication) sa paghahanda ng mga layunin at pagpapatupad nito (goal-setting) sa pagsasaayos ng mga bagay-bagay sa paaralan maging sa pamayanan (Organizing). Sa mga nabasa mo ngayon tungkol sa pamumuno, matanong naman kita, handa ka na ba?
References:
Espayos, M. The Filipino Principal Of 21st Century .
Educator’s Magazine, Eferza Academic Publications, Vol. 2 June, 2005 Issue
By: Mrs. Elnora F. Tolentino | Justice Emilio Angeles Gancayco Memorial High School