Maraming guro ang gumagamit ng panitikan upang mailunsad ang isang paksa sa iba’t-ibang content areas. Napupuna ko rin na mas gamitin ito sa asignaturang Filipino at Aralin Panlipunan. Napakaraming mga paksa sa ating kasaysayan ang magagamit sa mga subjects na ito.Mauugat ang kaugnayan ng panitikan at kasaysayan ng Pilipinas.halimbawa, sa mga aktuwal na pangyayari sa ating kasaysayan at ang pagkatala ng mga ito sa pamamagitan ng word of mouth o nagpasalin-salin na kuwento. Isa na rito ay ang pangyayari tungkol sa tahasang pagtutol ng magigiting na Pilipino sa pamamalakad ng mga Kastila sa bansa ay naging dahilan ng pagpapatapon sa kanila sa malalayong lalawigan o labas ng bansa. Hindi nagging hadlang ang pangyayaring ito upang tuluyan nang kalimutan o talikuran ang bansa’t kababayang
binusabos ng mga mapagsamantalang dayuhan.
Maala-ala din ng mga mag-aaral na nagkita-kita ang mga Pilipinong ito sa ibang bansa at dahil iisa naman ang kanilang mga layunin para sa bayan ay magkabuklod-buklod sila. Ipinagpatuloy ang pakikibaka sa pamamagitan ng bagsik na dulot na panulat..kinilala ang samahang-kilusang ito sa kasaysayan ng Pilipinas bilang kilusang Propaganda. Binubuo sila ng matatalino’t bagong sibol na kabataan. Halos lahat sila’y nagsipagtapos sa kolehiyo. Ilan sa mga kilalang kasapi ng propaganda ay kinilala sa iba’t-ibang sinning tulad nian : Jose Rizal; nobelista, Manuel H. del Pilar; mamamahayag, at Graciano Lopez Jaena; batikang orador at manunulat. Sila ang tatlong namumuno sa kilusan. Maarin gamitin ito ng isang guro ng Filipino o Aralin Panlipunan kung tinatalakay nila ang aralin sa pananakop ng mga kastila sa ating bansa.Mga paksa ito na makapagbibigay linaw tungkol sa mga tunay na nangyari sa ating bansa noong panahon ng mga kastila.
Samantala, kung ang aralin naman ay tungkol sa mga naunang mga nalathalang pahayagan sa Pilipinas maaaring ilahad na ang La Solidaridad ang pahayagan ng kilusang Propaganda. Ginamit ng mahuhusay na manunulat ang pahayagan sa pagtuligsa ng maling pamamahala ng Kastila sa Pilipinas. Hindi nagtagal ang La Solidaridad dahil sa kakapusan ng pondo. SA kabila ng mga pangyayaring ito, mayroon din naman itong naitulong sa pamamagitan ng pagpaparating sa mga mamamayan tungkol sa masamang pamamalakad ng mga kastila.
Kung ang aralin naman ay mga sinaunang pagkain, magagamit ang mga lathalain sa pmamagitan ng panulat ni Ambeth Ocampo, isang manunulat ng kasaysayan, ating mababatid ang mga paboritong pagkain n gating mga bayani, halimbawa, si Jose Rizal ay paborito ang tuyo para sa almusal; si Apolinario Mabini naman ay paborito ang gatas ng kalabaw. Mababasa ang mga ganitong bagay sa buhay ng ating mga bayani sa mga aklat na “Rizal Without the Overcoat,”Aguinaldo’s Breakfast or Luna’s Mustache. Mahusay na gamitin ang ganitong mga kaalaman mula sa ating kasaysayan bilang pagbibigay o pamukaw sigla sa mga mag-aaral
Ilan pa sa mga panitikang ito ay ang mga diary, halimbawa ang Living with the Enemy; A Diary of the Japanese Occupation ni Pacita Pistoño-Jacinto; ang Myself,Elsewhere, ay nag-papaalala ng “peace time” sa kanyang tinirhan sa Ermita at kung papaano ito winasak ng mga Hapon. Ang paksang ito naman ay magagamit kapag tinalakay na ang panahon ng pananakop ng mga hapon.
Sa mga tula naman ay ang mga isinulat nina Danton Remoto at Ruel Remoto na Padre
Faura Witness the Execution of Rizal at ang A Letter from Tirad Pass ni Danton Remoto.
Maihahambing ang maga tulang ito sa mga tulang tatalakayin na isinulat sa mga makabagong panahon kung ang paksa ay tungkol sa tula.
Ang ganitong mga uri ng panitikan ay makatutulong upang sumigla ang mga talakayan sa isang classroom. At nakadaragdag pa sa kaalaman sa panitikan at kasaysayan n gating bansa.
Sanggunian:
L. B. D. Rivera Literature as Handmaiden of History,The RAP Journal vol. XXX (2007)
Zaide, G.An Introduction to History, Manila. Copyright. 1971.
By: Lilian L. dela Rosa | Teacher III | Samal National High School | Samal, Bataan