PANITIKAN MABISANG KASANGKAPAN SA PAGTUTURO NG KASAYSAYAN

            Maraming mga mag-aaral sa kasalukuyan ang kulang na kulang sa kaalaman sa kasaysayan, Pandaaigdig man o n gating sariling bayan, lalong-lalo na ang tungkol sa Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Marahil ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod: Kakulangansa pagbabasa ng tungkol sa kasaysayan. Hindi gaanong nauunawaan ang pagpapaliwanag ng guro sa aralin.…


            Maraming mga mag-aaral sa kasalukuyan ang kulang na kulang sa kaalaman sa kasaysayan, Pandaaigdig man o n gating sariling bayan, lalong-lalo na ang tungkol sa Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Marahil ilan sa mga dahilan ay ang mga sumusunod:

  • Kakulangansa pagbabasa ng tungkol sa kasaysayan.
  • Hindi gaanong nauunawaan ang pagpapaliwanag ng guro sa aralin.
  • Kulang sa kamalayan, dahil hindi pa sila isinisilang ng mangyari ang bahaging ito
  • Kakulangan ng akmang pagdulog  o estratehiya sa pagtuturo ng paksa.
  • Iba pang mga dahilan.

            Isa sa pagdulog o istratehiya na mabisang gamitin para  sa pagtuturo ng kasaaysayan ay ang paggamit ng panitikan.  Maaring ito ay tula,awit, epiko, sanaysay, nobela o mga maiikling kuwento.  Maipaliliwanag ang sanaysay ng mabisa at epektibong pangyayart sa kasaysayan.. Halimbawa ay madagdagan pa ang kaalaman sa Hiroshima, Japan,kung sino si Hitler, ang Pearl Harbor sa Japan, Open City sa Maynila, at ang Death March.

            Maari ding basahin ang kuwento ng Schindler’s List, Apocalypse at Death March.  Ang pagtitiyaga ng guro na humanap pa ng mga paraan upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral ay isang  malaking tulong upang mapalawak pa ang kaalaman ng tungkol sa kasaysayan.

Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.Kasaysayam ng Daigdig. Unang Edisyon.        Vibal Publishing House (2014)

By: JACQUELINE R.DELA ROSA | Teacher I | Samal National High School | Samal, Bataan