Pasukan na muli , Setyembre 13, 2021

Pasukang hinihintay ng bawat kabataan!Pasukang hinihintay ng bawat kabataan!Nalalapit na naman ang pasukan , tanong ng karamihan matutuloy na ba ito o iuurong na muli? MECQ nasa ilalim pa kase ang buong bansa , kaya marami ang nag-alinlangan , lahat ay may agam-agam , takot na maidudulot sa atin ng nsabing pandemya na kung minamalas-malas…


Pasukang hinihintay ng bawat kabataan!Pasukang hinihintay ng bawat kabataan!Nalalapit na naman ang pasukan , tanong ng karamihan matutuloy na ba ito o iuurong na muli? MECQ nasa ilalim pa kase ang buong bansa , kaya marami ang nag-alinlangan , lahat ay may agam-agam , takot na maidudulot sa atin ng nsabing pandemya na kung minamalas-malas ay nagdudulot ng pighati at kalungkutan. Pero ito ay isang plano na naisakatuparan sa pagtutulungan ng bawat isa , maraming magulang ang hati sa pagdidisesyon kung tutuloy o uurong sila. Ngunit sabi nga Andyan ang gumagabay sa atin Pandemya ka lang!Natuloy ang nasabing aralan ngayong panuruan 2021-2022 na may kalakip nap ag-asa na babalik din tayo sa nakasanayan na nating buhay , babalik din sa normal ang lahat, ngunit paano nga ba? Babalik tayo sa normal kung tayo ay magiging masunurin at susunod sa ipinapayo sa atinng ating pamahalaan , kapag tayo ay tumalima mas malamang na tayo ay magiging matagumpay dahil iisa ang ating laban , iisa ang ating sagwan, iisa ang ating landas na tinatahak ay iisa ang ating adhikain na tayo ay susulong at matagumpay sa hinaharap. Sabi nga “ Disiplina ang kailangan , upang umunlad ang Bayan”.

By: EDIESA P. MENDOZA | Teacher III | BNHS