PATULOY LANG SA PAGSISIKHAY

Patuloy lang sa pagsisikhay, Yan ang bilin sa akin ni inay at itay. Sa aking pag- aaral, buong sarili’y ibigay, Upang pamilya’y maiahon sa hirap nitong buhay. Lubos na pagsusumikap, tuwina’y aking ginagawa, Pagririrerts, pagrerebyu, pagsusulat at pagbabasa. Pagkat aking nadarama ang tunay na ligaya, Tuwing aking makikita, matataas kong mga marka. Ang aking mga…


Patuloy lang sa pagsisikhay,

Yan ang bilin sa akin ni inay at itay.

Sa aking pag- aaral, buong sarili’y ibigay,

Upang pamilya’y maiahon sa hirap nitong buhay.

Lubos na pagsusumikap, tuwina’y aking ginagawa,

Pagririrerts, pagrerebyu, pagsusulat at pagbabasa.

Pagkat aking nadarama ang tunay na ligaya,

Tuwing aking makikita, matataas kong mga marka.

Ang aking mga guro’y natutuwa ng lubos,

Lahat ng panahon ko, sa pag- aaral binubuhos.

Pagkat aking inaalala, bilin sa’kin ni Gng. Bonalos,

“Sa magulang at guro, sundin mo bawat naming mga utos.”

Ang sabi ko’y wala namang mawawala,

Kung ang kanilang payo’y susundin ko tuwina.

Dahil nakabubuti ay alam na nila,

Upang buahy mapabuti, hindi mapariwara.

Sertipiko, medalya, diploma’t pagkilala,

 Iginawad sa akin at ngayo’y tinanggap na.

Sa mga mata ni inay ay aking nakita,

Bakas ng kaligayahan, sa tuwa siya’y napaluha na.

Sa inyo mga magulang at pamilya ko,

Ako ay lubos na nanganggako.

Isang bagay, tiyak kong sinisiguro,

Magpupursigi, mas magsusumikap pa ako.

Tunay ngang totoo ang kasabihan,

Mga kataga sa aki’y laging binibitiwan.

Anak ang pag- aaral iyong dapat pagbutihan,

Pagkat sa huli, ikaw naman ang aani niyan.

By: Rodolfo N. Ariola, Jr.