Pintura’y aking Tagumpay

  Ang buhay ng isang tao ay punong puno ng pag-diskubre patungkol sa pagkilala sa kani-kanilang sarili, mapa talent, kakayahan, kredibilidad, talino at iba pa. sa iba’t ibang pagkakataon din natatamo ang tinatawag na tagumpay. Minsan bata pa lamang ay may direksyon na ang kanyang buhay ngunit ang iba naman ay Malabo kahit tumanda na.…


 

Ang buhay ng isang tao ay punong puno ng pag-diskubre patungkol sa pagkilala sa kani-kanilang sarili, mapa talent, kakayahan, kredibilidad, talino at iba pa. sa iba’t ibang pagkakataon din natatamo ang tinatawag na tagumpay. Minsan bata pa lamang ay may direksyon na ang kanyang buhay ngunit ang iba naman ay Malabo kahit tumanda na. yung iba, alam na ang kanilang kahahantungan ngunit ang iba ay naguguluhan pa. maaaring iba’t ibang rin ang pakahulugan ng tagumay ng isang tao; ang iba’y kayaman ang kanilang tagumpay, ang iba’y maayos na pamilya , ang iba’y kalusugan, ang iba’y makarating sa ibang bansa, ang iba’y may maayos na trabaho ngunit ito ang pakahulugan ko sa salitang “tagumpay:.

Namulat ako sa isang pamilyang salat sa yaman, o mas kilala sa tinatawag na “isang kahit-isang tuka”. Hindi kami makakakain kung hindi kami kikilos sa murang edad dahil maaga kaming naulila sa aming mga magulang. Sa aking murang isipan, mas mamarapating kong makakain kaysa pumasok sa eskuwela/paaralan. Mas nararamdaman ko ang kulo ng aking tiyan kaysa sa uhaw ng aking murang isipan sa kaalaman. Oo, pinangarap kong makapag-tapos upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ngunit hindi ito nangyari. Ako’y hindi nakapag tapos at walang diploma mula sa kolehiyo ngunit marami pa naming pwedenr ialok ang mundo sa akin.

Sa dinami-rami ng trabahong naranasan ko upang kumita, habang tumatagal, d iko pa rin mahanap yung kasiyahan. Hanggang sa ako’y nagkapamilya, mas kinailangan kong dumoble-kayod at sinikap kong hanapin kung ano talaga trabahong nakalaan para sa akin at sa aking pamilya. May dalawa akong butihing kaibigan na nag-alok sa akin ng trabaho, iyon ay pagpipinta sa isang pabrika. Kahit alam kong kredibilidad sa ganong bagay, gusto kong matuto para sa pamilya ko. Sinimulan kong magpuyat at maglaan ng oras upang matuto at pagalingin ang aking sarili sa pagpinta. Nagtanong tanong sa mga kakilala at pinagsama-sama ang nakuhang kaalam hanggang sa ako’y tuluyang natuto, tuluyang gumaan ang kamay at tuluyang magpaka-dalubhasa. Unti-unti ring nagkakaron ng galak sa aking puso at para bang kapahingahan ko ang aking trabaho. Naghanap ako ng ibang bagay na pwedeng pintahan, hanggang sa maraming tao na ang nakakita sa aking mga gawa at ako’y tuluyang nakarating sa iba’t ibang lugar. Malaki ang utang na loob ko sa aking pinagsimulang pabrika ngunit kinailangan kong umalis upang mas mapalawak ko pa ang aking kredibilidad sa larangan ng pagpipinta. Ito ang tinatawag kong tagumpay, ang mahanap ang kagalakan at kapahingahan sa trabaho. Ang makita ng iba’t ibang tao mula sa iba’t ibang lugar ang aking mga obra. Ito ang bumuhay sa aming pamilya at ngayo’y nakapag-tapos na ako ng aking mga anak. Nagsimula ako sa wala, ngunit hindi dapat matapos sa wala. Sinimulan kong kumilos at patuloy na nangarap na makamtanan ang sariling tagumpay. Naipasa ko rin sa aking mga anak ang aking talent at pagtangkilik sa sining, at sila ngayo’y bumubuo ng sariling mga pangalan sa larangan ng sining. Wala nang mas sasaya pa sa isang magulang na natamo ang sariling tagumpay, at nakikita ang kanyang mga anak na may takot sa Diyos at uni-unti nating nakakamit ang kani-kanilang tagumpay. Lagi lang natin pakatandaan: “hindi man ngayon ang panahon para sayo, ngunit darating din yan kung pagsisikapan mo.”

 

By: Alex A. Serrano| Painter| BNHS | Balanga City, Bataan