Hanggang ngayon ay matindi pa rin ang mga debate at usap-usapan saan mang dako ng kapuluan ng Pilipinas tungkol sa pork barrel. Sari-sari nang imbestigasyon. Napakarami nang panayam. Ila na ring malawakang rally ang naisagawa subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilinawan ang tunay na isyu at kung sinuman ang tunay na may kasalanan.
Milyun-milyong piso ang pinag-uusapan sa prok barrel scam – milyong pisong nakalabas sa kaban ng bayan nang hindi namalayan nang mga nasa katungkulan o sadyang hindi pinakialaman dahil lahat sila ay nakinabang.
Nakakalungkot isipin na sa pork barrel na iyan ay kasama ang mga taxes na ibinabayad ng bawat ordinaryong mamamayan.
Ito ay isang isyung malaki ang tama sa mga kaguruan at iba pang empleyado ng gobyerno na hindi pa man nahahawakan ang buwanang suweldo ay nakakaltasan na ng tax dahil tax withheld ang sahod ng mga guro. Ang buwis ng guro ay ibinabawas na agad sa suweldo bago pa man naming pindutin an gaming monthly salary sa ATM. At saan na nga ba napupunta ang buwis ng mamamayan???
Maikakaila ba na maaaring may bahagi ng pork barrel na galing sa kakarampot na suweldo ng mga guro at mga maliliit na empleyado na ang siyang mga nakikinabang nang malaki ay kung sino pa ang malalaki ang na suweldo sa pamahalaan?
Kailan pa ba nagkaroon ng salary increase ang mga guro? Magkaroon mann ng kaunting increase ay halos hindi rin masyadong maramdaman dahil malaking porsiyento din nito ay napupunta na naman sa withholding tax.
Sana ay magkaroon na ng linaw ang pork barrel scam na ito. Maparusahan ang tunay na may kasalanan at kung paano ay maibalik sa kaban ng bayan ang mga nawalang milyun-milyong halaga upang magamit pa sa mas makabuluhang at pangmasang pagkakagastusan…lalo na sa edukasyon ng mga batang Pilipino.
By: Grace L. Sotto | Jose V. Abejar Memorial Elementary School | Abucay, Bataan