Tabi tabi po, makikiraan lang po!
Ano nga ba ang isang power tripping / trippers ah basta mahirap maging ganto,
Pagnasa posisyon ka dapat marunong kang lumaro sa kung ano ugali ng mga nasasakupan mo, hindi kapag gusto mo lang manita o may parot ka magagalit ka na ng walang basehan , dahil ba sa sabi niya o dahil nasapawan siya?
Alin kaya dun ang dapat magamot bilang tao!
Dapat bilang namumuno wala kang kakampihan o papanigan .
Dapat marunong kang lumaro sa kung ano ang dapat mong isayaw sa iyong kapwa , hindi yung may nagsabi ipapatawag mo na ang taong involve sa nasabing usapin .Dapat Malaki ang basehan mo bilang namumuno, dahil Trauma ang hatid nito sa taong involve, mahirap matulog kapag hindi pa ito naibubulalas ng taong kasama sa usapin, ngayon doon sa mga taong may sariling mundo na ayaw niyang masapawan , totoong mas magaling ka , agree ako dun lalo sa paghubog sa mga baguhan.
Kaya lang ang mga kasama mo ay may mata at may damdamin na nararamdaman na ikaw ay kulang sa pagiging mabuting tao. Ngayon kapag ang tao kulang sa pagpapakatao mas mainam na wag mo na lang ito ibahagi sa iyong kasamahan , wag mong palitawin na ikaw ang magaling hindi kami bulag para hindi Makita ang galling mo , pero sana naman wag mo ipahamak ang taong kasama mo, ngayon sana maging babala ito sa mga lahat ng manggagawa na dapat hindi ikaw ang dahilan ng ikakapahamak ng kapwa mo maging mabango ka lamang sa paningin ng iba! Sorry po pero ang isinulat kung ito ay general pangkalahatan, kung tinamaan ka sorry kase opinyon ko ito at pananaw base sa aking nakikita at naging dahilan ng aking pagkawalang kompiyansa sa aking kakayahan bilang tao.
Paano ngayon ang mga taong dumaranas ng ganito? Paano ito matutugunan ng ahensya ?
Diba dapat maging masaya na lang tayo dahil ang buhay ng tao ay napaka-ikli lamang, hindi ba pwede na maging masaya ka sa kung ano ang natamo niya !
Ang alam ko kase tayo bilang tao hanggang tumataas dapat ang ating katayuan dapat matuto tayong yumuko wag tayong maging palalo.
Gaya ng palay habang nadami ang kanyang butyl ang palay ay kusang yumuyuko at humahalik sa lupa , sana ganun tayong tao, hindi yung ang baba pa ng ating naabot at taas ng ulo o tingin sa sarili kasing taas ng langit na di na kayang abutin , WAG GANUN!
Sabi nga ang pinag-aralan inilalagay yan sa ating ulo , pero dapat hindi lumaki an gating tingin sa sarili!
Sana wag nating iwawalay sa ating prinsipyo na
MADALING MAGING TAO , PERO MAHIRAP MAGPAKATAO!
