“Psst… Tabi – tabi Po”

  Oras ng klase, masaya kong pinapanood ang aking mga mag-aaral sa masaya nilang pagpasok sa aming silid-aralan, Iba’t ibang larawan ang masasalamin mo sa kanilang mga mukha , may masaya… may inaantok pa, may mainit ang ulo… may ilang blangko ang mukha at wala kang maaaninaw na emosyon.                May grupong agad nagkwentuhan, pinag-uusapan…


 

Oras ng klase, masaya kong pinapanood ang aking mga mag-aaral sa masaya nilang pagpasok sa aming silid-aralan, Iba’t ibang larawan ang masasalamin mo sa kanilang mga mukha , may masaya… may inaantok pa, may mainit ang ulo… may ilang blangko ang mukha at wala kang maaaninaw na emosyon.

               May grupong agad nagkwentuhan, pinag-uusapan ang kanilanhg takdang aralin sa isa nilang asignatura, tungkol ito sa kanilang pangarap sa buhay.

               Natuwa akong lumapit at usyosohin, dala ng kuryosidad marahil upang mas lalo ko pa silang makilala. Mula sa kanila ay narinig ko ang kani-kanilang pangarap, may nangangarap maging doktor, maging abogado, maging gurong katulad ko… nakakatuwa, may nagtanong “Ma’am, masarap po bang maging guro”?

               Natulala ako at saglit na napakadakilang propesyon ang pagtuturo, dahil tao ang kaharap mo… hinuhulma moa ng kanilang isipan upang mabuo ang kani-kanilang mga pangarap.

               Sa unang taon ng aking pagtuturo, masaya dahil ang ideyal na isiping ang tanging sentro ng atensyon mo ay ang mga bata, ang trabaho at wala kang ibang ambisyon kundi ang makapagturo at mapatuto ang mga ito.

               Lumakad ng mabilis ang panahon, nagkapamilya ka na marami ng mga mag-aaral ang dumating at umalis sa buhay mo. Natitigan ko ang repleksyon ko sa salamin, doble na pala ang kulay ng aking buhok, ang tanong ko tuloy “nasaan” na ba ako?

               Sa paglipas ng panahon, marami na ding bagong guro ang dumating dati ikaw ang pinakabata, ngayon pakiramdam mo “matanda” ka na. Ang nakalulungkot pa patuloy sila sa pag-angat ikaw pakiramdam mo tumanda na naiwanan na ng panahon.

               Bawat isa ay may pangarap, gaano ba ito kataas? Minsan madali tayong makuntento sa kayang ibigay sa atin ng mundo, kadalasan may mga taong madaling makuntento dahil sa kaligayahan at kapanatagan ng buhay. Simpleng mangarap dahil sa kasimplehan ng buhay na mayroon siya.

               Ngunit mabilis ang usad ng panahon, sa pagdating ng bagong henerasyon, mga bagong guro… may mga bagong ideya nabuhay sa makina yan, nabuhay sa mundo ng kompyuter, nagmamadali…. Ikaw na inabutan gusto maungusan.

               Nakakalungkot isipin at masakit taggapin na maraming guro ang nagreretiro at nanatiling “Teacher I” minsan tatanungin mo ano ang nangyari sa 30 taong lumipas. Paanong nanatili siyang nasa ganoong posisyon. Ginusto ba niya ito? O sadyang hindi siya nabigyan ng pagkakataon, kadalasan ito ay dinadaan na lamang sa biruan, “Hoy MT, na ako”! Yun pala MT (Matandang Teacher I). Paano ba magiging katanggaptanggap ang ganitong kalagayan sa sistema ng Edukasyon.

               Totoo maraming mga bagong guro, sana’y paikutin ang mga kompyuter, nakakasakay sa isipan ng mga “millenials” ang tanong hanggang saan ba?

Kung ang pag-uusapan ay karanasan at dedikasyon sa gawain, ang mga “naunang guro” ay tunay na di ito, matatawaran. Sa angking talino at kaalaman sa aralin, tanungin mo tungkol sa aralin at makikita mo kung gaano nila ito kahusay na tatalakayin.

Ngunit kadalasan ang lahat ng ito ay di nabibigyan ng pansin ang lahat ng pagkakataon ay ibinibigay sa mga “bago”. Nakakalungkot lang dahil kahit may edad ka na, ayaw mo ding mapag-iwanan sa bagong kalakaran sa pagtuturo. Ang katwiran “madami ka ng alam”. Madami nga ngunit minsan ang alam na ito ay hindi na sumasabay sa ihip ng panahon. Kaya ikaw naiiwang nanonood sa mga “bagong” alam mo, na kaya mo ring gawin ang mga ginagawa.

Maaring sila ang bida ngayon.. pero sana magkaroon ng pasintabi sa mga taong inabutan nila, darating… darating din ang panahon na ang kalagayan ng inabutan mo ay mararanasan mo din.

Minsan lang, mahirap tanggapin ang mga sitwasyong katulad nito, kaya dapat maging mulat ang isipan at kalooban ng bawat isa sa totoong kalakaran ng mundo ng pagtuturo. Ang mahalaga ang naiwan at nagawa mo upang mapaunlad ang mga kabataang ipinagkatiwala sa iyo, kasabay din ng pagpapaunlad ng iyong sarili.

“Mam, ano po”, kulit ni Elisse, ang mapalatanong kong mag-aaral.

“Oo, anak… dahil walang katulad ang gawaing ito”, wika ko.

Tinanong ko ang sarili ko, kundi ako nagging guro “ano na kaya ako?

“Huli na yata”.

 

By: Ma Czareanah Anne F. Wee| Teacher I- Bataan National High School| Balanga, Bataan